Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 21, 2008

Abs ni Gerald, pinipindot ni Kim

Abs ni Gerald, pinipindot ni Kim


DAHIL para siyang ting­ting sa kapayatan, ayaw ni Kim Chiu sa lalaking kasimpayat niya.Gusto niya ay macho at hunky-hunky ang da­ting para kaya raw siyang buhatin.Sey ni Kim nang matsika namin siya sa kamakalawa nang gabi sa shooting ng ‘Class Picture’ episode ng Shake Rattle & Roll X sa PWU (Taft Avenue, Manila), type niya ng macho guys, pero ayaw niya ng mala-bouncer sa laki ang katawan.

Gusto niya ang six-pack abs nina Sam Milby at Piolo Pascual na nakita niya sa Bench fashion show at sa billboards ng Bench.Mahilig ba siya sa abs?“Hindi naman, pero mas sexy kasi ang may abs, kesa malaki ang tiyan,” nakangiting sey ng 18-anyos na bagets.Si Gerald Anderson (ka-loveteam niya) ba ay may six-pack?“Wala, isa lang! Ha! Ha! Ha! One pack of rice!”Type niya ba ‘yung balbon o may mga balahibo sa bandang abs, pababa ng pusod?“Okey lang, pero huwag naman ‘yung marami! Ha! Ha! Ha!”Mahilig ba siya sa matitigas na muscles?“Ha! Ha! Ha! Parang iba na ‘yan, eh! Balbon, tapos matitigas na muscles? Hindi… ano ba?! Ha! Ha! Ha!” tawa ng dalaga.Tsika ni Kim, minsan ay pinipindut-pindot niya ang abs ni Gerald.

So, ilang beses na niyang nahawakan ang abs ng binata?“Mga dalawa. Pinakita niya sa akin. Sabi niya, may abs na raw siya. Pini-press ko lang naman na gano’n…”Ano’ng naramdaman niya nu’ng pini­pindot niya ang abs ni Gerald?“Ano ba ‘yan? Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak niya.Matigas ba?“Ha! Ha! Ha! Hindi ko kayo naiintindihan!”Eh talaga namang tumitigas ang abs kapag pinipindut-pindot, ah?“Ha! Ha! Ha! A­yoko naaahhh…” natatawang bulalas ng bagets na panay ang halakhak.Malambot ba nu’ng hinawakan niya o matigas?“Ano ba?? Ewan ko… ano ba ‘yan? Ha! Ha! Ha! Syempre matigas, kasi may muscle!” sagot niya.

Sinabi namin kay Kim na sa female young stars ngayon, parang silang da­lawa na lang ni Sarah Gero­nimo ang masasabing totoong inosente at wala pang muwang sa kamunduhan.In short ay pareho silang certified virgin. Ano’ng masasabi niya roon?“Syempre, masaya. Kasi, gusto kong mag-remain na inosente sa showbiz. Kasi, syempre mara­ming humahanga na bata (sa akin)…”So, kelan niya handang ibigay ang kanyang virginity?“Pagkasal ko na!” mabilis na sagot ng chinitang Cebuana.So, pine-preserve niya ‘yon para sa lalaking makakatuluyan niya?“Parang patay, pini-preserve?? Ha! Ha! Ha! Ha!“Oo, kasi mahirap na ‘pag nagkamali. Wala na, wala nang pera… wala nang trabaho. Ha! Ha! Ha!”So, ibibigay niya lang ‘yon sa lalaking mapapa­ngasawa niya?“Oo naman, para i-love niya ako!” pakli ng ba­gets.Agree ba siya roon na sila na lang ni Sarah ang nananatiling virgin sa mga kabataang artista?“Hindi naman, marami pang iba…”Buti nagagawa niyang pangalagaan ang sarili niya kahit maraming bagets ngayon ang bata pa lang ay marami nang alam?“Syempre, kasi mara­ming endorsement na gusto, inosente! Ha! Ha! Ha! At saka ayoko rin kasi ng night life.”‘Yun lang ba ang dahilan niya?“Hindi, pero siyempre, ‘yun din ‘yung isang rason. At saka para maganda, healthy living, healthy lifestyle.”Paano ba sila gumigimik ng friends niya?“Nag-a-ice skating kami sa MOA, nagbi-vi­deoke kami. Wholesome… mga virgin din sila, eh! Ha! Ha! Ha! Ha!” malutong na ha­lakhak ni Kim.***

Ano ang pakiramdam ni Gerald Anderson nang hawakan ng ka-loveteam niyang si Kim Chiu ang kanyang ipinagmamala­king abs?“Wala naman. Ha! Ha! Hindi, kasi, pinapakita ko lang sa kanya. Kasi dati, lagi niya akong kinakantiyawan na malaki ‘yung tiyan ko. So ‘yun!” naka-smile na sey ni Gerald.Pinatigas niya ba muna ang abs niya bago niya ito ipinahawak kay Kim?“Oo, kumbaga, nag-hold breath ako. Hindi ako huminga!”So, matigas naman?“Ha! Ha! Ha! Hindi naman masyado…”Kaya ba siya nagpaganda ng katawan ay dahil alam niyang ang gusto ni Kim ay macho at hunk ang dating?“Ah, hindi naman siya lang, pero isa siya du’n sa mga dahilan,” sagot ng 19-anyos na binata na ‘yummy’ ang dating ngayon.

Mas confident ba siya ngayon sa katawan niya kaya nag-pose siya nang shirtless sa isang magazine?“Siguro, mas gusto ko na ganito ‘yung katawan ko. Kasi, mas parang healthy ako. Mas fit ako. Ayoko naman ‘yung malaking-malaki (na katawan)!”Ano’ng reaksyon niya na sinasabing isa si Kim sa mga natitirang cerfitied virgin sa showbiz?“Eh ‘di mabuti naman!”Type niya ba ang babaeng conservative?“Kahit sino namang babae, kung gusto nilang maging conservative, mas okey ‘yon para sa akin,” pakli niya.Pero lalake siya at meron din siyang mga ‘pa­ngangailangan’ ‘di ba?“After a while, ‘pag mahal n’yo ang isa’t isa, mangyayari ‘yon. So, kaya ko naman hintayin ‘yon,” sambit ni Gerald.Gusto niya ba na ang girl na pakakasalan niya, eh virgin?“Siguro, lahat naman tayo, gusto ‘yun, eh!”Paano ‘pag hindi na?“Basta mahal ko siya at mahal niya ako…”Siya ba, virgin pa?“Ha! Ha! Ha! Eh, paano kung sabihin kong yes? Ano na lang… kung ano sa tingin n’yo, ‘yun na lang ang sagot ko. Basta, ‘yun na lang. Hindi na ako magdi-details!” natatawang hirit ni Gerald.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: