Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, October 4, 2008

Star Magic talent RR Enriquez turns down "offer" of a Kapamilya young actor

Star Magic talent RR Enriquez turns down "offer" of a Kapamilya young actor


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Star Magic talent na si RR Enriquez noong October 2, sa taping ng bagong gag show ng ABS-CBN na Banana Split—na ang pilot episode ay sa October 11. Sinabi niya na may isang sikat na young actor mula sa Kapamilya network ang gusto siyang "tikman." Pero binara niya raw niya ito. Ayaw na lang banggitin pa ni RR ang name ng naturang young actor.

Sabi ni RR, "Basta, may namesung siya. Hindi ko siya pinansin. Kapamilya siya pero binara-bara ko sa text!

"Sabi niya kasi sa text, date nga raw kami. Puntahan ko raw siya sa condo niya. Ang sagot ko, 'Wow, feeling close ka, ha!' Talagang binara ko siya. Sabi ko nga sa kanya, 'Ganyan ba ang tingin mo sa lahat ng babae? Kung yung ibang girls na napapapunta mo sa condo mo, na may ganoon at nakukuha mo nang mabilis, sorry ha, hindi ako ganoon at hindi talaga kita type! Sorry, try your luck next time!'

"Sabi ko pa, 'Try your luck to others na lang!'' O, di ba, English yun, a!" natatawang kuwento ni RR.

"Feeling niya easy to get ako kasi sa Wowowee pa-sexy ako, di ba? Akala siguro ganoon, dahil sa pananamit ko. Image ko pa-sexy, ‘tapos akala siguro nila tanga talaga ako. Kasi, di ba, tanga-tangahan ako noon? Kaya feeling nila, ‘Ay, tanga ito, easy to get ito.' Kaya ito. Well, sorry na lang siya. Hindi ko na siya bibigyan ng pangalan. Alam na niya yun kung sino siya."

Patuloy niya, "Minsan kasi sa showbiz, kasi lalo't sa mga lalaki, medyo mag-ingat dahil hindi mo alam kung totoo siya o nilalaro ka lang, may habol lang sa ‘yo. So, medyo mautak ako sa ganyan. Hindi nila ako basta-basta machu-churva!

"Kung type ko, ako na mismo ang chu-churva sa kanila!" tawa niya. "Hindi na ako magpapakiyeme pa. Ako na mismo ng hahabol sa kanaila. Pero kung hindi ko type, wa!"

Kumusta na ba sila ni Joross Gamboa na nali-link sa kanya ngayon?

"Sobrang friend ko lang si Joross," sabi ni RR. "Makulit ‘yan, e! Hindi naman ako ang inaalagaan niya. Natsismis nga kami na parang nagdate-date kami, pero hindi ako yung dine-date niya. Parang chaperone lang ako. Non-showbiz ‘yung girl at grupo kami na lumalabas."

So kung wala silang relasyon ni Joross, may boyfriend ba siya ngayon?

"Sa ngayon wala, as in wala," mabilis niyang sagot.

Bakit wala? Sexy naman siya, maganda, at napapanood pa sa Wowowee?

"Yun nga, e! Medyo wala kasing time. Siyempre, busy yung schedule sa Wowowee 'tapos meron pa akong Banana Split ngayon, so wala talaga akong time na makipag-date. So, yung parang ide-date ko, itutulog ko na lang," pagtatapos ni RR



Source: PEP



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: