Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 1, 2008

Lorna Tolentino gustong kalimutan si Daboy kaya aalis sa Siyete

Lorna Tolentino gustong kalimutan si Daboy kaya aalis sa Siyete

OFFICIAL na ang pag-alis ni Lorna Tolentino sa GMA-7 at paglipat niya sa ABS-CBN.Naunawaan ng Kapuso network ang mga dahilan ni LT kung bakit siya lilipat ng ‘tahanan’ nang siya ay magpaalam.Isang valid reason ni LT sa pag-alsa-balutan, gusto kasi niyang gumawa ng pelikula at mayroon siyang offer sa Star Cinema, ang movie arm ng ABS-CBN. Pero, ang makabagbag-damdaming dahilan ni LT -- nais niyang iwaksi ang ‘anino’ ng namayapang kabiyak na si Rudy Fernandez, na na-kikita raw niya sa halos lahat ng sulok ng GMA-7.

Matatandaang na-ging ‘bahay’ din kasi ni Daboy ang Siyete nang mahaba-habang panahon ng gumawa siya rito ng mga programang minahal at naging patok sa publiko. Noong mga panahong inaatake na siya ng sakit na cancer, Kapuso ang isa sa mga nagbigay ng malaki at regular na suporta sa kanya. Kumbaga, puso, kata-wan at kaluluwa, bahagi ng GMA-7 si Daboy. At hanggang nga-yon, si Rudy ay nasa GMA-7 pa. Nang pumanaw si Da-boy, matagal na nagbakasyun sa ibang bansa si LT. Mahal na mahal kasi niya ang yumaong mister at hindi niya matanggap na wala na ito sa kanyang piling. Pero, kinakailangan niyang magpatuloy sa mundong ito para sa iba pang mahal sa buhay at mga nagmamahal.

Eh, papaano nga siya masasa-nay na wala na ang lalaking kasamang sumumpa sa harap ng dambana ng “Till Death Do Us Part” kung sa lahat ng oras, sa lahat ng sulok ng pinupuntahan niya ay naro-roon palagi ang alaala ni Daboy?So, para bigyan ng puwang ang ‘paglimot’ at ma-kapagpatuloy sa normal na takbo ng buhay, kinakaila-ngan muna niyang umalis sa kina-roroonan ng ‘anino’ ng pinakamamahal na namayapang kabiyak. Payo rin ito kay LT ng kinunsulta niyang psychiatrist.

Nangako naman si LT sa GMA-7 executives na sina Wilma Galvante at Marivin Arayata na kapag natanggap na niya ang paglisan ni Daboy, babalik siya sa ‘tahanang’ nagmahal at minahal nilang mag-asawa.At wika naman ng lady executives, palagi naman daw bukas ang pintuan ng Siyete sa pagbabalik ni LT.

“Palagi namang na-kabukas ang pintuan ng GMA sa pagbabalik ng mga umalis,” pahayag ni Ms. Wilma sa isa naming panayam.


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: