Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, October 4, 2008

Kim Chiu and Gerald Anderson hanggang TV na lang ?

Kim Chiu and Gerald Anderson hanggang TV na lang ?

Nagkaroon ng press preview ang much anticipated Your Song Presents: My Only Hope noong Miyerkules sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.And our verdict? Fabolous!It’s the whole teen cast of My Girl again, this time potraying more mature and dark roles.

Ang pinakamalaking pagbabago ay si Gerald Anderson who’s now sporting a long hairdo and a beard.Our resident wholesome boy-next-door type suddenly becomes a bad boy hottie!Yup, super sexy na ngayon si Gerald tulad ng kanyang sensual shirtless pictorial sa Star Studio mag.Lalo pang dadami ang gays at matron fans ni Gerald dahil sa kanyang new bold looks.Wish lang namin sa personal ay ma-imbibe rin niya ang pagiging isang “bad boy” for a change!Kim Chiu is still Kim Chiu for us dito sa My Only Hope although hindi na siya gaanong OA dito ngayon tulad doon sa My Girl na obligado siyang tularan ang original Korean actress ng syndicated show.

Kung hindi magma-mature si Kim ay mapag-iiwan na siya ng kanyang ka-loveteam na si Gerald who is clearly being prepared to leading man status ng ABS-CBN.Well, good riddance naman if ever na mabuwag na ang kanilang teeny-bopper loveteam. Unless na mag-evolve ang team-up nila sa isang Bea-John Lloyd caliber!Basically the main cast is potraying the same roles they had sa My Girl. Enchong Dee is still head over heels with Kim.May relasyon din ulit sina NiƱa Jose at Gerald. Sila Regine Angeles at David Chua pa rin ang magkapareha. Magkapa-tid pa rin sina Alex Gonzaga at David.Nadagdagan lang sina Carlo Guevarra na magi-ging ka-triangle nina Re-gine at David.At nagkaroon na ng permanent love interest si Alex in the person of newcomer Xian Lim na isang 6’2 hunk!Boracay ang backdrop ng first 6 episodes ng My Only Hope so expect a lot of swimwear attire sa main cast.Wish lang namin mag-skimpy trunks na finally si Gerald dito. Hindi naman babagay ang two-pice kay Kim dahil mukha talaga siyang anorexonic beauty!

Sosyal talaga sina Kim at Gerald dahil tatagal ng 16 weeks ang My Only Hope meaning mapapanood ito hanggang January of next year.Sila lang ang nakagawa nito dahil ‘yung ibang nagbibida sa Your Song ay hanggang 4 weeks lang nagtatagal ang stint.Kung matatandaan, tanging ang loveteam nina Kim at Gerald din ang nagkaroon ng pinakamahabang episode sa Love Spell na tu-magal naman ng 13 weeks.Mukhang paborito ta-laga ng ABS-CBN ang loveteam ni-la, huh!Wish lang naming ganoon din sila kalakas pagdating sa pelikula. Kasi ‘yung last solo mo-vie nila na I’ve Fallen For You ay hindi naging blockbuster tulad nang inaasahan ng Star Cinema.



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: