Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 19, 2008

Katrina Halili, suko na kay Dennis Trillo!

Katrina Halili, suko na kay Dennis Trillo!


NAG-GIVE UP NA talaga si Katrina Halili kay Dennis Trillo. Hindi umubra kay Dennis ang lahat ng pagpapa-charming ni Katrina sa kanya maski noong panahon ng Magdusa Ka hanggang ngayong magkatrabaho na naman sila sa Gagambino.

Si Cristine Reyes ang kinabaliwan ni Dennis noong pinapakuluan ang tambalan nila ni Katrina, pero ngayong magkatambal uli sila, umiba ang ihip ng hangin. Mas gusto nga raw ni Dennis na wala munang lovelife sa ngayon. Samantalang si Katrina ay nahulog ang loob sa R&B artist na si Kris Lawrence.

Sa level na 1 to 10, sinabi ni Katrina na nasa Level 8 na ang sa kanila ni Kris. Nahulog ang loob ni Katrina kay Kris dahil marespeto raw itong tao, marunong gumalang. Hindi raw ito nagte-take advantage.

Hanggang ngayon, hindi alam ni Katrina kung saan patutungo ang ugnayan nila ni Kris, pero halatang inspired ang sexy actress. Exclusively dating na nga raw sila ni Kris. Therefore, mahirap daw na basta makitang lumalabas pa si Katrina na may kasamang ibang lalaki.Kailan lang naman nagkakilala nang husto sina Kris at Katrina. Nang magtungo si Katrina sa Amerika para magbakasyon pagkatapos ng tuloy-tuloy na trabaho noon sa Magdusa Ka, nagkaroon ito ng pagkakataong maka-close si Kris doon.

"Wala naman masyadong nangyayari noon sa U.S., pero nang bumalik kami sa Pilipinas, doon na siya gumawa ng paraan para magkita kami palagi," nangingiting sabi pa ni Katrina.Sa ngayon, masasabing may inspirasyon nga si Katrina na hindi katulad noon, kung wala na lang trabaho, uuwi na lang siya sa hometown nila sa Palawan. Kung bumalik man siya roon at walang trabaho, at least, alam niyang may posibilidad na may sasama o susunod sa kanya roon.
Ang balita nga namin ngayon, si Kris daw ay nagpapaganda na rin ng katawan. Inuudyukan ng iba na talbugan daw niya si Jay-R, na bukod sa pagiging R&B artist ay talagang all too willing to bare his essentials.

Sabi ni Kris, given the chance, kaya niyang magpaganda ng katawan. Take note, si Katrina na nali-link sa kanya ang pinakaseksing babae ngayon sa showbiz, kaya plus factor sa kanya kung tatapatan niya ito.



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Rose said...

Please vote for Kapuso at www.philtvguide.com