Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 5, 2008

John Prats reveals he and Shaina Magdayao are exclusively dating

John Prats reveals he and Shaina Magdayao are exclusively dating











Emotional si John Prats sa press conference ng bago niyang programa sa ABS-CBN na Komiks Presents Tiny Tony. Ito raw kasi ang kauna-unahang TV show na siya ang nasa title role. Kaya labis ang kasiyahan niya at hindi raw niya malilimutan ang proyektong ito at sana masundan pa ang ganitong opportunity para sa kanya.

”Sobrang tuwang-tuwa po ako syempre. Sobrang I thank every one, sina Sir Deo (Endrinal), Sir Biboy (Arboleda), Tita Cory (Vidanes), the team, everyone for choosing me na ang pinaka-natutuwa ako, e, may gaganapin ako na ginawa ni Mars Ravelo. Siyempre alam naman na natin from Darna, Captain Barbel, Lastikman. At least ako meron akong bagong i-introduce na character sa inyo,” panimula ni John.

Pagkatapos ng Tiny Tony ang mga likha rin na super hero ni Mars Ravelo na sina Dragonna at Flash Bomba ang matutunghayan sa Komiks. Kumpirmado ng si Shaina Magdayao ang gaganap bilang Dragonna na malapit na malapit sa puso ngayon ni John. Si Shaina ba ang tintutukoy ni John sa isang interbyu na nagbibigay energy sa kanya?
”Yes po,” ngiti ni John.

Nung huli naming nakausap si Shaina sa launching ng Star Magic catalogue for this year, inamin niya sa amin na happy ang kanyang lovelife ngayon. Of course, si John ang tinukoy namin kay Shaina na kapartner niya ngayon. “E, di okey naman po. Ako rin. Ah, masaya talaga ako, e. At wala na akong hihilingin pa at siguro nandito ako sa stage na I don’t want to fool around anymore. Basta kung sinuman yung mga taong nandyan for me and I want to give importance to them also.” Exclusively dating ang description ni John sa relasyon nila ni Shaina. Nagsimula raw ang pagiging exclusively dating nila since January this year. “Siguro kasi kung amin naman it’s personal, it‘s something naman for us and we really want to keep it that way. Ayoko naman kasi, lagi ko namang sinasabi na ayokong ma-misinterpret ako ng mga tao na baka ginagamit ko si Shaina or siya rin ginagamti niya ako. That’s why kami we want to put in on a personal level. Kung anuman mga offer sa kanya, mga trabaho sa kanya, I’m happy for her. And it’s the same thing din siya sa mga dumarating sa akin. Nagsusuportahan kami. Ayaw lang namin na dumating yung time na siraan kami ng tao kung anuman meron kami.”

Inamin na rin ni Shaina ang nangyaring hiwalayan sa kanyang mga magulang. At sinabi rin ng young actress na naging mahirap para sa kanya nung una na tanggapin ang nangyari sa kanyang mga magulang. During that time, ano ang suportang ibinigay ni John kay Shaina? “Well, ako naman those times, ewan ko. Parang ako naman I don’t want to comment on that. Alam naman niya na kung nasaan ang suporta ko at ayokong sabihin yun. Alam naman niya na I’m here. So, wala naman akong dapat sabihin about that.”

May bago ring pamangkin si Shaina courtesy of her Ate na si Vina Morales. “I know and we’re excited. Nakakatuwa dahil lagi ko naman sinasabi basta may baby hindi ‘yun kinalulungkutan,e. It’s a blessing. na hindi naman dapat na malungkot kasi hindi naman siya loss, e. Na-gain mo siya. So, yun ang natutunan ko doon sa nangyari kay Cams (Camille Prats) na feeling namin bakit kailangang dumaan ka pa sa stage na malulungkot ka, kakabahan ka, matatakot ka? Pero nung lumabas yung bata angel, e. Sobrnag angel sa buhay namin.”

Posible ba na one of these days ay mabalitaan na lang na may nabuntis siya? ”Imposible, imposible,” paulit-ulit na sagot ni John. “Safe ako, e. Hahaha! Hindi tsaka ako naman kasi I’m responsible enough. Basta alam ko na hindi ko pa kaya bakit ko naman papasukin? Problema yun, e, kapag hindi ka pa ready.” John also believes na mas mabuti maging safe pagdating sa sex. “Hindi naman natin mapipigilan yun, e. Siguro sa safe sex, oo. Kasi realistic namin na ang daming tao na sabihin mo dapat after marriage pero hindi naman pina-practice. Kaya sa tingin ko ang pinaka-the best way to advice is like practice na lang safe sex. If you’re not ready isipin ninyo na lang yung magiging outcome nung bata. Yung kanya na lang, yung kaya ninyo ba siyang buhayin? Ah, ano ang mangayayri sa kanya? Yung future na lang ng bata,” tapos ni John






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Icee Duanne said...

ANG GWAPO2X TLGA NI JOHN PRATS!

CONGRATS DIN SA NEW SHOWS MO JOHN!

ITONG TINY TONY, I LOVE BETTY LA FEA, SITCOM WITH AIAI DELAS ALAS!

GLOBAL JOHNATICS SUPPORT YOU! GOD BLESS!