Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 1, 2008

John Lloyd Cruz willing to do a movie with Gretchen Barretto

John Lloyd Cruz willing to do a movie with Gretchen Barretto


After Gretchen Barretto's announcement na gagawa sila ni Senator Bong Revilla under Star Cinema, ngayon naman ay very vocal ang controversial actress sa pagsasabing si John Lloyd Cruz na ang gusto niyang makapareha sa pelikulang gagawin niya sa Star Cinema.

With John Lloyd's stature now as one of the hottest and most-in-demand actors of his generation, it's no wonder kung ang young actor ang piliin ni La Greta na makapareha sa kanyang comeback movie.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John Lloyd sa launching ng Star Magic 2009 Catalogue sa EDSA Shangri-La noong Linggo, September 28, nagpahayag din ng excitement at kagustuhan ang aktor na makapareha sa isang pelikula si Gretchen.

"May naririnig ako pero alam mo naman sa trabaho natin, hangga't di pa nagro-roll yung camera, or kahit hindi pa nag-i-start yung pelikula, minsan hindi pa rin natutuloy o napapalitan. Pero sana nga matuloy. It could be an experience working with Gretchen," pahayag ni John Lloyd.

Sa past interviews kay Gretchen ay inamin nito na excited siyang makatrabaho si John Lloyd, hindi lang dahil sa box-office results ng mga pelikulang ginawa nito kundi dahil bilib siya sa husay sa pag-arte ng young actor. Hindi naman napigilan ni John Lloyd ang ma-overwhelm sa magagandang pahayag sa kanyang ito ni Gretchen.

"Parang nanliliit ako!" bulalas niya. "Dyosa yun, siya ang tunay na dyosa. Parang hindi tayo sanay na marinig yun mula sa isang napakaganda at nirerespetong mukha sa industriya ng pelikulang Pilipino. But nonetheless, sobra akong excited na makatrabaho siya. Sana magkaroon kami ng pagkakataon na magkaroon ng isang magandang materyal. Sa akin, sana matuloy."

MOVIE WITH ATE VI & SARAH. Kahit naaantala ang pelikulang pagsasamahan nila ni Batangas Governor Vilma Santos dahil na rin sa hectic schedule ng Star For All Seasons, para kay John Lloyd ay handa siyang maghintay kahit kailan para lamang makatrabaho ang nirerespetong aktres.

"Of course, tuloy yung movie ko with Governor Vilma Santos, schedule na lang talaga. But I understand, alam ko na mahirap maglingkod sa bayan and kung mayroon mang dapat i-prioritize, it's the people of Batangas.

"Okey lang sa akin, she can take her time. Kailangan niya munang unahin ang mga dapat niyang unahin. Ako, kahit maghintay ako ng forever, maghihintay ako para lang makagawa ng pelikula with Governor Vilma," saad ni John Lloyd.

Tiniyak din ni John Lloyd na tuloy na tuloy na ang follow-up movie nila ni Sarah Geronimo pagkatapos ng malaking tagumpay ng una nilang pelikula together, ang A Very Special Love.

"Hindi pa siya nagsisimula, but as of today, sigurado yung matutuloy. So, abangan ninyo. Sa lahat ng mga nanood ng A Very Special Love, maraming-maraming salamat sa inyo. May darating at mas special pa," pagwawakas ni John Lloyd.




Source: PEP


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: