Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 19, 2008

Gabby bawal munang magtrabaho

Gabby bawal munang magtrabaho

Sa inilabas naming kopya ng pinirmahang kontrata nina Gabby Concepcion at Mommy Rose Flaminiano nung April 1, 2008 sa mismong bahay ng prodyuser sa Quezon City ay malinaw na nakasaad—hindi maaaring tumanggap ng anumang uri ng trabaho si Gabby ng walang basbas ang kanyang manager.

Pinagtitibay ng kontrata na si Mommy Rose lang ang may kapasidad na makipag-usap, magpresyo at tumanggap ng anumang trabaho-proyekto para kay Gabby, walang ibang taong binibigyan ng karapatan ang kontrata, ang manager lang ng aktor.
Ang mga huling proyekto-shows na ginagawa pa ni Gabby ngayon ay sakop pa ng mga panahong magkasundo pa sila, pero nung lumutang na ang hindi nila pagkakaunawaan na nauwi pa nga sa demandahan, wala nang inaprubahan ang manager ni Gabby.

Ang pinakahuli na sa aming pagkakaalam ay ang gaganaping show sa Metro Bar sa darating na Biyernes, October 24, kung saan guest si Gabby sa concert ng Side A Band at Juan Pablo Dream.
Pagkatapos nun ay wala nang sumunod pa, ayon kay Mommy Rose ay wala na siyang pinirmahan uli, kaya kung gagawa man ng show si Gabby na wala ang kanyang basbas ay maaari niyang harangin-ipahinto yun anumang oras.

Ganun mismo ang nangyari nang makipagtransaksiyon ang kampo ni Gabby sa Hyatt Hotel sa pamamagitan ng kanyang kaibigang si Martin, dapat ay sa October 21 na ang show ni Gabby, pero nagtataka ang pamunuan ng hotel kung bakit ayaw pa munang ipadispley ng panig ni Gabby ang mga materyales para sa show.

Ang ginawa ng kausap nila dun ay tumawag kay Mommy Rose, inalam nito kung meron siyang basbas sa show na tinanggap ni Gabby, sulat ng kanyang abogadong si Attorney Bonifacio Alentajan ang naging sagot ni Mommy Rose.

Malinaw na anumang show na tanggapin ngayon ni Gabby at ng kanyang kampo nang walang pahintulot ng kanyang manager ay hindi puwedeng ituloy.
Ang nakasaad sa kanilang kontrata ang kailangang sundin, pinirmahan nilang pareho ang dokumento, kaya kung anu-ano lang ang nakasaad dun ang kaila­ngang mangibabaw.


CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: