Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 19, 2008

Cristy Naunahan Lang Nang ABS-CBN???

Cristy Naunahan Lang Nang ABS-CBN???

BAGO PA MAN ipinataw ang suspensyon sa mahal naming kaibigang ‘Nay Cristy Fermin, nagbalak na ang pamilya niya na siya'y pag-resign-in sa The Buzz. Kumbaga, naunahan lang sila, but just the same, tinanggap nila ang desisyon. "Tsaka hindi na ako masaya," ang natatandaan pa naming sabi ni ‘Nay Cristy.
Ang malabo lang talaga sa aming lahat ng mga nakakakilala at nakakaalam ay kung bakit pati sa radyo ay nadamay siya? She never repeated nor discussed the things that she did on The Buzz in her radio show, kaya't 'hungkag' sa amin ang ipinataw na suspension.
Matagal na naming kaibigan si ‘Nay Cristy. Panahon pa namin nina Ate Luds (sumalangit nawa) sa Loca-Lobo productions ay magkakasama na kami.
Ito ‘yung literal na ambon sa kanyang mga unos at batid naming kayang-kaya niya ang mga ito. The greater fact is, hindi siya iniwan at inalisan ng mga taong literal na naging kapamilya at kapuso niya. Nakakaloka ang outpour ng mga sentiments at pagpapahayag ng mga pakikiramay, mula sa malalaking tao sa industriya, hanggang sa mga ordinaryong tao.
Kung may mga grupo man o iilang tao na nagpakana at masasabing nagtagumpay sa layunin nilang tanggalin ang mahal naming kaibigan sa kanyang mga programa, nararapat lang na kayo'y magbunyi. Kung hanggang kailan, iyan ang mas mahalagang puntos na nais naming pakaabangan! Susunod!!!







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: