Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, October 4, 2008

Cristy Fermin speaks

Cristy Fermin speaks


Trabaho-bakasyon ang ipinunta namin sa Canada. Sinuportahan namin si Maribel Aunor sa unang pinakamalaking show nito sa Winnipeg, ang Wowowillie, naging matagumpay naman ang palabas na ginanap sa pinakamalaking venue dun (MTS Centre).TFC country ang buong Canada, kilalang-kilala dun ang mga artista ng ABS-CBN, kahit mga bagu­hang artista ng network ay kilalang-kilala dun ng ating mga kababayan dahil sa TFC.

Pagkatapos ipalabas ang The Buzz dito sa atin ay sangkatutak nang mensahe sa text ang tinang­gap namin mula dito sa Pilipinas, sa aming pama­mas­­yal sa Winnipeg ay ganun din ang sinabi ng ating mga kababayan, “Binanatan ka ni Nadia Montenegro sa The Buzz!”Para hindi naman kami magmukhang inosente sa isyu ay nakiusap kami kay kaibigang Rey-Ar Reyes, Art Director ng Pilipino Express News Magazine, kung puwede naming mapanood ang The Buzz sa TFC sa pamamagitan ng Video On Demand.

Napanood namin nang buong-buo ang mga akusasyon ni Nadia laban sa amin, umiyak pa ang hindi na aktibong artista, dahil sagad na raw ang pagkapuno niya sa mga bira namin sa kanya.Binaligtad pa niya ang senaryo, kami raw ang naging dahilan ng pag­kasira ng kanilang pagka­ka­ibigan ni Gretchen Barretto, para na­mang hindi napanood ng publiko ang sobrang galit sa kanya ni Gretchen nung magpainterbyu ang aktres sa The Buzz dahil sa ginawa niyang paninira dito.Bukas, sa The Buzz, sa piling-piling pagka­ka­taon ay idedetalye namin sa ere ang mga kuwen­tong hindi pa alam ng publiko tungkol sa kanilang away ni Gretchen.Siguradong maraming pangalan ang madada­may sa kuwento, may mga detalyeng baka ikahi­matay ng manonood, pero kailangan naming mag­salita para mauntog sa katotohanan si Nadia na siya mismo ang nambulabog sa kuta ng langgam kaya kailangang lumabas ang kato­tohanan.

* * *

Malapit na kaming mahulog sa aming upuan nang diretsong sabihin sa ere ni Nadia na kaya raw namin siya binibira ay dahil wala siyang pambayad sa mga papuri namin sa kanya.Sa pagkakasabi niya nun ay parang pinalalabas niya na dati’y binibig­yan niya kami ng pera para lang purihin namin siya. Buhay na buhay pa silang magkakapatid, alam nila ni Tanya na sa mga pagkakataong naiipit sila sa mga kontrobersiya at sila naman ang nasa tama ay kami ang nagdedepensa sa kanila, pero KAHIT MINSAN ay hindi kami nagpa­bayad ng serbisyo sa kanilang magkapatid at lalo namang hindi kami nanghingi sa kanila nang kahit singkong duling bilang pabuya sa kabutihang nagawa namin para sa kanila.

Wala na raw kaming kredibilidad, madiin ding sinabi ni Nadia, at wala raw kaming budhi. Muli, bukas sa The Buzz ay meron kaming idedeklarang mga senaryo para sumampal sa magkabilang pisngi ni Nadia, pagkatapos naming idetalye ang mga bagay-bagay na yun ay kayo na po ang hu­mus­ga kung sino sa aming dalawa ang walang kredibilidad at walang budhi.Meron kaming pakakawalang senaryo na ang akala ni Nadia ay siya lang at ang mga piling-piling mga kapamilya at kaibigan lang niya ang nakaka­alam, yan ang mahirap sa mga naghuhugas-kamay at naglilinis-linisan.Pinalabas din ni Nadia na naospital ang kanyang ina sa Amerika nang dahil sa mga pitik namin sa kanya, wala siyang kaalam-alam na meron na kaming komunikasyon ng kanyang pamilya, tumaas ang blood pressure ni Mommy Linda Montenegro nung mapanood siya nito sa TV Patrol World na binibira kami.Dapat sana’y makakasama namin sa Winnipeg si Mommy Linda, meron na itong ticket at aalis na lang, pero napanood nito ang mga bira ni Nadia laban sa amin.

Pero binaligtad ni Nadia ang senaryo, nagbigay pa siya ng mensahe sa kanyang ina na hindi na raw siya makapapayag na isang tulad namin ang magi­ging dahilan ng kanilang away, napakakapal ng mukha ni Nadia na pati ang kanyang sariling ina ay kinaladkad niya sa isang malaking kasinu­ngalingan.Si Nadia Montenegro ang humingi ng pagsa­salita namin bukas sa The Buzz, nananahimik kami sa Winnipeg nang upakan niya kami, kaya kumbaga sa boksing ay ito naman ang pagkakataon para maka­balik kami ng pagsuntok sa kanya.



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: