Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, October 4, 2008

Coco Martin denies falling out with former manager Noel Ferrer

Coco Martin denies falling out with former manager Noel Ferrer

May bagong proyekto ngayon sa ABS-CBN ang award-winning actor at nakilala sa indie movies na si Coco Martin. Sa katunayan, gusto raw niyang maging Kapamilya kaya't nagsisikap siyang mapansin sa mga nilalabasan niyang programa rito.

"Simula po kasi nang mabigyan ako ng Ligaw na Bulaklak, at kahit freelancer na ako ngayon, na-consider po nila ako para sa isa pang proyekto," saad ng aktor sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Komiks Presents Tiny Tony noong Huwebes, October 2.

Ang mahusay na indie actor, na kamakailan lang ay nakasama bilang delegado sa nakaraang Cannes Film Festival para sa pelikulang Serbis, ay nangangarap ding makilala sa mainstream TV through family-oriented shows.

"Iba pa rin siyempre yung nakikilala ka ng kahit na mga bata," sambit ni Coco.

Dahil papatapos na ang Ligaw na Bulaklak, isang afternoon soap na pinagbibidahan ni Roxanne Guinoo, itinuturing ni Coco na blessing ang pagkakasali niya sa Tiny Tony, na mapapanood naman every Saturday evening simula sa October 11. Although may pagka-offbeat daw ang role niya rito bilang isang insecure na anak ng isang scientist na mas itinuring na anak si Tony (John Prats), "yung values on loving your family ang isang trait na hindi nawala sa kanya," saad ng aktor.

COCO'S FORMER MANAGER. Kahit freelancer na si Coco—na dating mina-manage ng GMA Films executive na si Noel Ferrer—binibigyan ng kredito ang kanyang dating manager dahil ito nga ang unang nagdala sa kanya sa bakuran ng ABS-CBN.

"Yung Ligaw na Bulaklak, siya pa ang nakapag-close ng deal for me," sabi ni Coco.

Kinailangan lang daw niyang mag-move on at mag-grow bilang isang artist kaya niya nais subukan na maging isang freelancer.

"I have nothing but great respect and love for my ex-manager. May mga bagay-bagay lang talagang kailangang gawin at asikasuhin ko nang nag-iisa," paliwanag ni Coco.

Dahil napag-usapan na rin lang ang kanyang dating manager, itinanong na ng PEP ang napapabalitang blind item na diumano'y kinausap ni Coco ang aktor na si Piolo Pascual at pinagsabihan kung bakit magtitiwala ito kina Noel Ferrer at Direk Adolf Alix bilang co-producers sa indie movie na co-produced ni Piolo, ang Manila. Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit siya tuluyang binitawan ni Noel as one of his talents. Totoo ba ito?

"Nakarating nga po ‘yan sa akin. Bakit ko naman po gagawin yun? Ni hindi ko nga po personal na kilala o kakilala si Mr. Piolo Pascual, paano po kami magkakausap? ‘Tsaka bakit ko po kaya naman gagawin yun?" ang nagtatakang tanong ni Coco sa PEP.

"Basta po kami ni Tito Noel," patuloy niya, "ay walang masamang pinagsamahan. Napakalaki po ng naitulong niya sa akin at sa katunayan nga po ay may indie movies pa akong nagawa na may kinalaman siya. Nagkakausap po kami at hindi po yun ang naging rason kung bakit ginusto naming maghiwalay as talent and as manager."

Ang ilan sa indie films na tinampukan ni Coco ay ang Masahista, Daybreak, Condo, at Serbis. Karamihan din sa mga ito ay nakalibot sa iba't ibang film festivals abroad at nakapagbigay naman ng karangalan sa bansa.

Sa 2009, may dalawa pang indie movies si Coco na nakatakdang ipalabas. Ito ang Next Attraction kung saan kasama niyang muli sa Jaclyn Jose sa direksiyon ni Raya Martin at ang Celso Ad Castillo opus na OFW, kung saan kasama naman niya si Nadine Samonte.


Source: PEP



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: