Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 19, 2008

At last, nagkabati na ang dating magkaibigan: “Na miss ko si John kaya ako na mismo ang bumati!” – Joebert Sucaldito

At last, nagkabati na ang dating magkaibigan: “Na miss ko si John kaya ako na mismo ang bumati!” – Joebert Sucaldito

GRABE SA SAYA ang birthday party ng aming kaibigan sa panulat na si Pilar Mateo last Wenesday, Oct. 15, sa Music 21 sa Timog. Sing to death ang celebrities, hindi rin nagpatalbog ang movie writers – hataw rin sa pagkanta sina Archie de Calma, Leo Bukas at Alex Datu. Abala naman si Pilaring sa pag-entertain ng kanyang mga guest – Lotlo de Leon, Angelu de Leon, Alma Concepcion, Ana Capri, Isko Moreno, Jomari Yllana, Gerald Madrid, Angelica Jones, Mommy Carol (mother ni Judy Ann Santos), Joebert Sucaldito, Rufa Mae Quinto, John Lapus at ang aming Editor-in Chief (Pinoy Parazzi) na Raimund Agapito.

Habang nagkakasayahan, nagkagulo sa pagdating ni Gary V. Kilig to the max si Pilar nang awitan siya ng Kailangan Kita, palakpakan ang mga tao. Kinumusta naman namin ang lovelife ni Ana Capri. “Happy, walang hazzle lahat puwede kong gawin. Very supportive naman siya sa akin, hinahayaan lang niya ako sa pag-aartista. Lagare ako ngayon, may La Lola ako sa GMA-7 at may Pieta naman ako sa Dos. Six years na rin kami, pabalik-balik lang siya rito sa atin dahil sa Hong Kong talaga siya naka-base.,” mabilis na sagot ni Ana.

Kailan ka naman lalagay sa tahimik? “Hindi namin napag-uusapan ang bagay na ‘yan, okey na ang set-up namin. Hindi naman ako naghahangad na pakasalan ako, wala naman siyang binabanggit tungkol sa kasal. Kahit ako, never ko siyang tinatanong kung may plano ba siyang pakasalan ako. Kung dumating ‘yung point na mabuntis ako – ‘di mabuntis, okey lang sa akin. Ang importante mahal ninyo ang isa’t isa. Magkasundo kami sa maraming bagay kaya siguro nagtatagal kami,” paliwanag ni Ana sa amin.

Lipat naman kami sa table nina Gerald Madrid at Danny Vibas (movie writer) para ma-interview ang ex-boyfriend ni Alma Moreno. Ano na ang pinagkakaabalahan mo after your break-up with Ness? “Katatapos ko lang gawin ang Ugat sa Lupa ni Direk Ariel Reyes. Ako ang lead star, actually silent movie ito, walang dialogue sa mata lang kami nag-uusap kaya naiiba. Farmer ang role ko rito na nagbebenta ng kamoteng kahoy na namatayan ng anak, sa Taal, Batangas kami nag-shooting. It’s a short film for Cinemalaya, next year pa ipalalabas,” excited na kuwento ni Gerald.
Ano ba talaga ang naging dahilan ng paghihiwalay ninyo ni Alma? “Nahihirapan ako sa political status ni Alma. Hindi nagtutugma ang showbiz at politika, nahihirapan ako. Priority kasi niya ‘yung kanyang political career, gusto niyang mag-concentrate. May mutual understanding na naman kami ni Alma, 3 years ding tumagal ‘yung relationship namin.
“Rightnow, I enjoy my life as a single person, enjoy ako sa buhay ko ngayon. Wala na kaming communication ni Alma for more than 3 years, hindi na kami nagkita after nu’ng break-up namin, no phone call. Noon, 100 percent ang pagmamahal ko sa kanya, ngayon 50 percent na lang. Hindi na ako nag-girlfriend after Ness. Sa ngayon, serious ako sa career ko as an actor, dito muna ako magko-concentrate,” dugtong pa niya.

Matindi ba ang pagmamahal na ibinigay sa iyo ni Alma compared sa mga naging girlfriend na kasing edad mo? “Iba ‘yung kay Ness, hindi ko malilimutan – naiiba, masarap talaga!” Nagkatingin kami ni Danny sa tinuran ni Gerald.

Humabol pa si Mark Anthony Fernandez para batiin si Pilar. Hinandugan pa siya ng dalawang awitin bago ito umalis. Sa kabilang table, magkakasamang nagtsi-chikahan sina Mommy Carol, Rufa Mae Quinto at John Lapus. Biglang lumapit si Joebert Sucaldito para batiin si John, laking gulat namin nang biglang magyakapan at nagkaiyakan ang dating matalik na magkaibigan. Taon na pala ang binilang na hindi nag-uusap sina John at Joebert. Ikinatuwa namin ang pagbabati nila sa birthday party ni Pilar. “Honest, na miss ko si John kaya ako na mismo ang naunang bumati sa kanya. Walang masama kung magpakumbaba ako, may pinagsamahan naman kami. Life is short at maliit lang ang mundong ating ginagalawan. I’m very happy, nagkaayos na kami ni John. Love ko ‘yan, alam niya ‘yun,” paliwanag ni Joebert.Sa sobrang saya ni Joebert ng gabing ‘yun, namudmod ng kadatungan ang aming kaibigan. Lalo niyang pinasaya ang may kaarawan pati na rin ang mga kafatid sa panulat. Bumaha ng inuman at pulutan, naging double-celebration. Hindi namin iniwan ang mahal naming si Pilar, pasikat na ang araw, sabay-sabay na kaming umuwing may ngiti sa labi. Ibayong saya at ligaya kapag kapiling mo ang tunay na kaibigan, totoong nagmamahal sa iyo.




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: