Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, October 4, 2008

Assunta, ’di makatapak sa Dos at Siyete -- Alex

Assunta, ’di makatapak sa Dos at Siyete -- Alex


BINIGYAN ng ABS CBN ng solo presscon si Alessandra de Rossi para sa kanyang mga proyekto at tuloy ay para makatsikahan naman nang mahaba-haba ng press ang kalilipat lang na aktres.Masarap pa ring kakuwentuhan si Alex, nabawasan na ang pagiging babaing bakla niya, pero lumalabas pa rin paminsan-minsan, lalo na ’pag napapasarap sa pagkukuwento.Happy naman siya sa “pagbabalik-bahay” dahil araw-araw ang kanyang trabaho.

Dumarating na nga raw siya sa point na nagdarasal siya na sana’y wala siyang taping kinabukasan dahil napapagod siya.Ganu’n siya ka-busy ngayon.Pagkatapos ng guesting niya sa I Love Betty La Fea at Pedicab episode ng Maalaala Mo Kaya, ngayong araw na ito ay magsisimula na siyang mag-taping ng bago niyang project, ang Komiks Presents Mars Ravelo’s Dragona.Makakasama niya sina Shaina Magdayao at Jake Cuenca.

Excited siyang makatrabaho ulit si Jake dahil best friend daw niya ito way back GMA-7 days. Nagkasama raw sila sa Click noon and since then, magkaibigan na sila kahit lumipat na ito.Wala rin daw siyang problema sa ABS stars, halimbawa, si Bea Alonzo, dahil winelcome siya nito with open arms at hindi pinaramdam sa kanya ang pagiging star.Napagkuwentuhan din namin ang ate niyang si Assunta de Rossi, na medyo nananahimik ngayon. Sey ni Alex, happy naman ang kapatid.“Alam mo ’yon, ’yung pinagpalit naman niya para sa buhay niya ngayon, I think, okay naman. At saka, hindi lahat ng babae nakakakita ng lalaking mahal na mahal siya and mahal na mahal niya. And nakakapunta siya kahit saan niya gusto at nabibili ng tiket ang nanay ko pauwi.“Pero siyempre, I’m sure, nabo-bore rin naman ’yan na katapat ang laptop buong araw, ’di ba? I’m sure, gusto rin niyang mag-taping,” say ni Alex, kaya nagkatawanan.’Yun nga lang, medyo hindi raw kasi naging maganda ang paglisan ng ate niya dahil may mga tulay itong sinunog.“Nu’ng nag-asawa siya, marami siyang bridges na na-burn na hindi naman niya alam na ganu’n, dahil at that time, ‘I’m in love, wala akong pakialam sa inyong lahat.’“’Yun, bigla siyang umalis ng GMA.

So, I don’t think puwede siyang umapak ulit sa GMA kahit gusto niya dahil sa nangyari.”Sa ABS-CBN naman daw, medyo nagalit ang ate niya dahil it will be recalled nga na nagsalita si Assunta na masama ang loob niya sa network because she felt na napabayaan siya nang kunin from GMA-7.“Pero siyempre, ’di ba, nag-asawa na siya, so, kailangang tanggapin na…eh, ganu’n, ’di ba? ’Yun nga lang, minsan, parang nawawalan na ng gana ang mga tao.”



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: