Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 19, 2008

Alfie Lorenzo to Judy Ann Santos: 'Huwag mo na akong gagalitin!'

Alfie Lorenzo to Judy Ann Santos: 'Huwag mo na akong gagalitin!'

Sinabi ng talent manager na si Alfie Lorenzo kahapon sa kanyang interview sa The Buzz na nag-sorry na sa kanya ang kanyang alaga na si Judy Ann Santos. Napabalitang nagkaroon ng away ang dalawa tungkol sa mga kontrata ni Judai. Kumunsulta raw muna ang aktres sa isang lawyer bago pa man ito nakipagdeal kay Alfie na siyang ikinasama ng loob nito.
Alfie commented na nakiusap pa si Judy Ann sa kanya na huwag sumulat ng negative publicity about her. "Hindi ko inisip si Judai one day ay magiging milyonarya, kaya sabi ko, 'Huwag mo na akong gagalitin para hindi na makalkal 'yung iba pa kasi 'yung iba pa nakatago pa sa baul, eh papagpagin ko pa."

Ikinwento rin ni Alfie ang naging usapan nila ng kanyang alaga tungkol sa pagkuha nito ng lawyer. "Ano pa 'yung ikukunsulta mo sa attorney? Bakit all of a sudden nakikialam na 'yung attorney mo sa kontrata? Ilang years na tayong pumipirma sa ABS-CBN walang attorney. Hindi ka naman nakulong sa kakapirma natin at nakarating ka sa kinaroroonan mo ngayon!"
Sabi ng talent manager, he was just looking out for Judy Ann’s welfare at nainsulto siya nang i-by pass siya nito. "Sabi ko, 'Biro mo nagmamalasakit na lang ako sa iyo tapos ako pa ang lalabas na masama, ako pa ang pagdududahan, magkukunsulta ka sa abogado. However, bumawi naman daw si Judai sa kanya at personal pa siya itong inapproach para mag-apologize. Pinoint out ni Alfie na it’s not all about money kundi ang pag-secure ng good future para kay Judai. Dagdag pa niya na siya pa nga ang nagsuggest na i-extend ang contract to 2011, as a fallback in case she decides to settle down anytime soon.
On the other hand, nagpaliwanag din si Judai tungkol sa move na kanyang ginawa. Gusto lang daw niyang maintindihan ang legal concepts sa kanyang pipirmahan. "Siyempre karapatan ko lang din malaman kung ano ang magiging scope of work ko in the next two years. Kasi hindi ko naman maintindihan 'yung legal terms eh, hindi naman ako abogado. It doesn't mean na binabale wala ko si Tito Alfie. Napakalaki ng utang na loob ko kay Tito Alfie.”
Judai also said na ang pagkuha niya ng lawyer ay dahil na rin sa mga kasong isinampa sa kanya ng Bureau of Internal Revenue o BIR. Ayaw niya na itong maulit muli. "May sarili po akong utak para po ipaalala ko sa inyo 30 years old na po ako. Puwede na po akong magdesisyon para sa sarili ko."





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: