Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, October 4, 2008

ABS-CBN nag-react

ABS-CBN nag-react


Naging palaisipan sa publiko nitong nakaraang mga linggo ang napapa­balitang mga pagbabagong diumano’y magaganap sa nangungunang news and current affairs division sa bansa.Upang matuldukan na ang mga haka-haka at tila intensyunal na pagbibigay ng maling impormasyon sa mga pahayagan, narito na ang tunay na paliwanag sa mga naglalabasang isyu:Magbabalik ang batikang mamamahayag na si Ces Drilon sa programang Bandila.

Muling sasamahan ni Ces sina Korina Sanchez at Henry Omaga Diaz sa naturang International Emmy-nominated newscast na maghahain naman ng mga pagbaba­gong dapat n’yong aba­ngan simula sa Oct 6.

Patuloy din na nama­ma­yagpag ang ABS-CBN News and Current Affairs dahil na rin sa pa­tuloy na pagiging numero uno sa himpapawid ng programa nitong TV Patrol World na pina­ngu­­ngunahan ng res­peta­dong anchors na sina Ted Failon, Karen Davila, at Julius Babao. Hindi pa rin ito matinag at matalo ng mga kala­bang programa sa kabila.

Samantala, mana­natili pa ring anchor ng TV Patrol World ang broadcast journalist na si Karen Davila kasabay ng weekend show niyang Wonder Mom na nga­yo’y isang oras na.




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: