Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

Zanjoe Marudo: Ang lalaking walang pahinga!

Zanjoe Marudo: Ang lalaking walang pahinga!
Written by Eddie Littlefield

HOM_Apr_Zanjoe_Marudo

UMAARIBA ANG SHOWBIZ career ni Zanjoe Marudo – hindi nawawalan ng TV assignment. Matitino at markado ang mga project na napapasakamay niya. Kung tawagin siya ngayon – ang lalaking walang pahinga! Mahalagang papel ang ginagampanan niya sa Dyosa ni Anne Curtis. Siya si Mars, sikat na tagalikha ng mga kuwento sa komiks na iibig sa Dyosa. “Halos magkasabay kong ginagawa ang Varga ni Mariel Rodriguez at ang Dyosa ni Anne. ‘Yung Florinda with Maricel Soriano matagal ko nang natapos ‘yun. Ang taping naman namin, hindi tatamaan ‘yung taping ng Dyosa. Nagkataon namang sabay-sabay na ipinalabas.

Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN kahit nang after akong lumabas ng PBB (Pinoy Big Brother), matagal na rin ‘yun, may tiwala pa rin sila sa akin. Kahit papaano nasa utak pa rin nila ako ‘pag nagka-casting sila,” wika ng aktor.


Ano bang mayroon si Zanjoe at patuloy na umaani ng tagumpay? “Hindi ko pa iniisip na ito na, wala pa naman akong show – kay Zanjoe ‘yan. Wala pa naman akong ganoon, wala pa naman akong pelikula na talagang ‘yun na.” Nasa cast din siya ng Pare Ko na biglang natigil, bakit nga ba? “Gusto naming magandang-maganda pero may ibang araw na hindi ganoon kaganda. Comedy siya, comedy bawat eksena matatawa ang mga tao, hindi naman siya tulad ng ibang show – may istorya siya talaga! ‘Yung day 1 namin, sobrang maganda talaga – natatawa sila. Hindi naman napantayan ‘yun day 2 and day 3, parang bumaksak. So, ‘yun ang naging problema namin, inaayos pa ‘yung script. Sa ngayon, hindi pa naka-schedule sa akin kung kailan uli ang taping,”paliwanag ni Zanjoe.


Paano naman ang nangyari sa soap na The Wedding? “After Dyosa itutuloy namin, hindi ako sure kung the same cast pa rin dahil nagkaroon ng mga problema, pero kami ni Anne Curtis kasama pa rin sa cast under the direction of Jeffrey Jeturian.”


Kung si Zanjoe ang tatanungin, anong klaseng show ang gusto niyang gawin? “Dream role ko ‘yung action na parang pelikula nina Robin Padilla at Rudy Fernandez. Suntukan, action na romantic na may love angle na medyo comedy. ‘Yung tipong Robin na nasa kanto-kanto lang pero nakikipaglaban ng suntukan, parehas ang laban at walang inuurungan.”


Every time bang may show ang Cover Boys, kailangan bang maghubad? “Depende sa show, depende kung anong klaseng show – anong concept? “Hindi naman basta-basta mo na lang gagawin ang maghubad na hindi naman hinahanap, hindi naman kailangan, hindi ko ginagawa. Sa ASAP hindi naman palaging naka-topless kami, minsan kailangan sa kanta, depende sa production number ninyo. Kung sakaling malaki ang tiyan ko at may bilbil ako hindi siguro ako maghuhubad. Hindi ako confident sa katawan ko – hindi ako magpapakita,” sabi niya.


Aware ba naman si Zanjoe na pinapantasya siya ng mga kababaihan at mga bading tuwing naghuhubad siya? “’Yun naman talaga ang habol nila, bakit ako magtatanggal ng damit kung hindi naman ako pagnanasahan ng manonood. Parang dumating ka sa point na pinagnanasahan ka. Kaysa naman naghuhubad ka tapos diring-diri naman ang mga tao sa ‘yo. ‘Pag pinagnasahan ka, nakuha mo ‘yung gusto nila. Kaya ka nga nagpapakita ng katawan para pagnasahan ka – alam mo ‘yun! Bakit nagpapa-sexy ang mga babae, para makuha nila ang atensiyon ng mga lalaki.”


Biglang nagtanong si Alex Datu (columnist), kapag nakahubad ka na, how do you feel na sa harap (big bird) mo nakatingin ang mga tao at hindi sa mukha mo? “’Yun naman ang habol mo, wala kang pakialam sa mukha mo. Kasi, hindi naman sila titingin sa mukha mo, mukha mo, anytime nakikita ka nila, nakadamit ka. Kapag naghubad ka, tulad sa Bench Blackout, hindi naman manonood ang mga tao para makita ang mukha ng artista. Madalas ka na nilang napapanood sa TV, kaya katawan siyempre ang titignan nila,” banggit ng binatang aktor.


“Bakit ‘yun ibang model (Jake Cuenca ang tinutukoy ni Alex) kailangang may dukutin pa sa loob ng brief para mapansin?” Sundot ulit ni Alex Datu. “Hindi ko naman ginagawa ‘yun at hindi ko gagawin para lang mapansin. Hindi na ako darating sa point na ‘yun. Kung walang papansin sa ‘yo – tanggapin mo! Para gumawa ako ng bagay na para mapansin ako – hindi ganoon ang style na gagawin ko. Gagalingan ko ang trabaho ko, ibibigay kong lahat ang best ko. Kapag dumating ‘yung ganoong pagkakataon, kahit hindi ko gawin ‘yun – papansinin ako ng mga tao.” Pahayag ni Zanjoe.






Source: Pinoy Parazzi



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: