Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, September 2, 2008

Wish ni Angel Locsin na makasama ulit sa pelikula si Richard Gutierrez

Wish ni Angel Locsin na makasama ulit sa pelikula si Richard Gutierrez
Written by Chit Ramos
Angel Locsin (F&H)

MATUPAD KAYA ANG wish ni Angel Locsin na magbalik-tambalan sila ni Richard Gutierrez sa pelikula?


Na-touch kasi siya nang magbigay si Richard sa kanya ng isang napakagandang message through Boy and Kris noong Huwebes. May bonus pang message din ni KC Concepcion na ka-text pala niya ngayon.


Kabilib-bilib talaga itong si KC, dahil mas friendly siya kaysa mommy Sharon niya. Mom niya kasi, sobrang evasive. Maging sa mga dati niyang ka-close na babati lang siya, at tatalikod na. Hindi tuloy kami makadiskarte ng interview ni Mercy (Lejarde) tuwing dadalaw kami sa taping ng Sharon. Pero, kahit nagtatampo-tampo kami ni Mercy, agad-agad ko naman itong nakakalimutan kapag naiisip ko si Sen. Kiko Pangilinan. Ganun katindi ang paghanga at respeto ko sa kanyang mister, promise.


Naku ha, bakit nadako doon ang sinulat ko? Kasi nga, when I approached KC (minsang matiyempuhan ko siya sa isang 5-star hotel), I introduced myself talaga. Sabi ko: “I’d like you to take a look at my new boyfriend.” Ipinakita ko sa kanya ang picture namin ni Gabby (Concepcion) na nasa wallet ko.


Natawa siya, sabay sabi: “Pareho tayo, he’s also my type!” She even went to our tabale (I was with my sister Ethel) at binati ang lahat ng kasama ko. She even hugged my sister, sabay bigay ng latest magazine with her on the cover. Mas knowing niya kasi ang ate Ethel ko. ‘Dean of Phil. Movie Press’ ba naman, siyempre I don’t hold a candle to her, hihihi!


Back to Angel, magawa rin kaya niya ang nagawa nina KC at Richard? Ngayong nakagawa ng movie sa Star Cinema sina Chard at KC, posible kaya ang isang Chard-Angel tandem, tulad ng ginawa nila nu’ng nasa Kapuso station pa sila? We’ll see.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: