Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, September 27, 2008

Wendy Valdez, 'naikama' ni Joem Bascon

Wendy Valdez, 'naikama' ni Joem Bascon

At least sa isang episode ng I Love Betty La Fea sa ABS-CBN ay 'naikama' ni Joem Bascon bilang Mario Collantes si Wendy Valdez bilang Patricia Suarez.

Isa ngang mainit na eksenang maituturing ang nasabing love scene nina Joem at Wendy, at may kasunod pa raw ito sa mga susunod na araw.

Ayon pa sa isang balita, isang shower scene naman ang mapapanood mula kina Joem at Wendy.

Sa nasabing eksena, maituturing ngang mature actor na itong si Joem na nagsimula lamang sa pa-tweetums na role sa Let's Go.

Nagawaran pa nga ito si Joem ng Breakthrough Performance award sa Golden Screen Awards 2008 ng ENPRESS para sa pelikulang 'Batanes at ang kanyang role sa I Love Betty La Fea ay simula ng mga mas magagandang role na nakalatag para sa kanya.

Si Wendy naman ay hindi na baguhan sa mga maiinit na love scene, pero ang kanyang papel sa I Love Betty La Fea bilang sexy bitchy secretary ni Armando, played by John Lloyd Cruz, is considered as her best so far.

Maldita man ang character niya, pero very effective dito si Wendy at swak na swak sa kanya ang role, dahil na rin sa image na kung anong meron siya sa showbiz.

Sa I Love Betty La Fea, hindi lang standout ang beauty kundi standout din ang performances nina Ruffa Gutierrez bilang Daniella at Megan Young bilang Marcella.

***

Still about Wendy, ngayong araw nakatakdang ipalabas ng Pilipinas, Game KNB? ang episode na kung saan naglaro si Wendy at napabalitang nag-walk out dahil sa 'di pagkakaintindihan sa tamang sagot with host Edu Manzano.

Maipalabas kaya ng show ang nasabing walk-out? O edited na ang ating mapapanood?

***

Samanta, 'naikama' din ng character ni Angelica Panganiban ang character ni Gabby Concepcion sa Iisa Pa Lamang.

Ito'y matapos manalo si Angelica at talunin si Claudine Barretto sa bidding para mai-date si Gabby sa nasabing teleserye.

Isang abogado at congessman ang role ni Gabby sa Iisa Pa Lamang pero hindi ko lubos maisip kung posible talagang mangyari sa totoong buhay na ang isang abogado na at congressman pa ay sasali sa isang auction or bidding para lamang mai-date siya.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: