Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, September 27, 2008

TRO vs Gabby, dinenay ng korte

TRO vs Gabby, dinenay ng korte

MAY nagpahatid ng balita kay Rose Flaminiano na ayon umano sa ina ni Gabby Concepcion, ayusin na lang nila ang problema sa pagitan nila.

Sa kasalukuyan, mas pinili munang manahimik ni Mommy Rose bilang respeto sa nagluluksang pamilya.

Ngayong Linggo ihahatid sa huling hantungan ang ama ni Gabby na si Daddy Rollie sa Loyola Memorial Park sa Marikina, 3 p.m.

Noong Biyernes, binuksan sa media ang burol kung saan ay nagpaunlak ng panayam ang aktor on TV at ang kapatid niyang babae na si Rina.

Hindi raw lingid sa pamilya ni Gabo ang mga naglalabasan at ang problema ng aktor sa manager.

Sa TV news din last Friday, napanood namin si Rina na umiiyak at nakikiusap na tigilan na ang paninira sa kanyang kapatid.

May mensahe rin siya sa manager ni Gabby. Kung pupunta lang daw ito sa burol, makikita nito kung paano nasasaktan ang kanilang ina sa mga nangyayari.

As we go to press, nakatanggap kami ng balitang hindi kinatigan ng korte ang application for temporary restraining order (TRO) ni Mommy Rose versus Gabby.

Ibig sabihin, puwede nang direktang tumanggap ang balikbayan actor ng bookings kahit walang pahintulot ang kanyang manager.

Sinubukan naming hingan ng pahayag ang publicist ni Mommy Rose, pero mukhang wala pa itong kaalam-alam sa panibagong pangyayari.

VINIA VIVAR
Journal Online






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: