Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, September 2, 2008

Takot si Alfred na magmukhang ‘paningit’ sa tambalang Marian-Dingdong!

Takot si Alfred na magmukhang ‘paningit’ sa tambalang Marian-Dingdong!
Written by Archie de Calma
Alfred Vargas

ANG KINATATAKUTAN NI Alfred Vargas, ang lumabas siyang paningit o kontrabida kina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Dyesebel noong bago niya ito tanggapin. Aware kasi si Alfred na napakalakas ng tambalang Marian-Dingdong na napatunayan na sa Marimar, at alam din niyang malaki ang maitutulong sa career niya kung lalabas siyang ka-triangle ng dalawa.


Habang tumatagal, nararamdaman ni Alfred ang epekto ng exposure niya rito sa kanyang image. Mabait kasi ang character na ginagampanan niya bilang Erebus, ang tapat na mangingibig ni Dyesebel. Hindi niya akalaing mas magiging maamo ang manonood sa kanya sa tuwing nakikita siya sa personal dahil hindi nga kontrabida ang labas niya. Sympthetic nga ang role niya kung tutuusin.


Kasama rin si Alfred sa bagong afternoon soap ng GMA-7, ang Una Kang Naging Akin. Ngayon pa lang, inuulan na muli ng intriga ang tambalan nila ni LJ Reyes na sa tunay na buhay, nagkaroon ng kaugnayan sa isa't isa. Iniiwasan ni Alfred na magkaroon pa ng kung anu-anong isyu sa kanila ni LJ. Maayos naman daw ang paghihiwalay nila at ang pagtatambal nila ay trabaho lang din para sa kanila. Ang maganda raw, nananatili silang magkaibigan. Ang ka-triangle nila sa soap operang ito ay si Maxene Magalona.


Bukod sa rumaratsadang exposures ni Alftred sa GMA-7, naglalaan siya ng oras sa kanyang farm sa Sta. Maria, Bulacan. Inamin ni Alfred na mas naiibigan niyang maging magsasaka na lang muna dahil sa lugar din naman 'yun siya lumaki at nagagamit niya ang kursong tinapos niya sa Ateneo de Manila na may kaugnayan sa pagnenegosyo. Isa lamang ang taniman ng gulay sa farm niyang 'yun sa maraming negosyong pinasukan ng aktor. Pero, sinabi niya sa amin na rito siya naka-concentrate sa ngayon.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: