Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 24, 2008

Sarah Geronimo's inspiration is Rayver Cruz

Mukhang hindi nga kami nagkakamali sa aming hula, huh.Si Rayver Cruz nga kaya ang masuwerteng lalaki na inspirasyon ni Sarah Geronimo? Babalikan lang namin ang isyung kilig-kiligan na ito nu’ng Linggo sa The Buzz. Doon ay nakipaghulaan din ang hosts na sina Cristy Fermin at Ruffa Gutierrez sa Popstar Princess kung sino ang lalaking nagbibigay ng kulay ngayon sa buhay niya.Agad natumbok ni Tita Cristy ang ilan sa mga clue na binigay ni Sarah, si Rayver Cruz nga kaya?Magaling sumayaw, kumanta at umaarte.Say pa ni Sarah:“I see him every Sunday.”‘

Yun na!

Nag-blush na si Sarah at tila hindi na makapagsalita. Kitang-kita ang kaka-ibang glow sa mga mata ni Sarah habang inuusisa si Rayver sa kanya.Hala, hindi makapagsalita ang dalaga. Hindi pa namin nakitang ganu’n si Sarah, na tipong nagba-blush. Ang cute niyang tingnan.Ipinapakita pa sa kanya ni Boy Abunda ang naka-topless na larawan ni Rayver on cam. Kaya lalong nawawala ang concentration ni Sarah.“Hindi ko alam, maganda pala ang katawan ni Rayver!”Ito na lang ang nasambit ni Sarah. Na pa-rang namimilipit sa hiya at kilig na hindi maintindihan.Ngayon ay alam na namin kung bakit ganoon ka-epektibbo si Sarah sa pagganap sa mga karakter niya bilang bagets na in love sa pelikula’t telebisyon.

Aba, bongga pala ang taglay na inspirasyong dulot ni Rayver, huh.Teka, ano naman kaya ang masasabi ng binata tungkol dito? Hmmn, bagay sila, ‘di ba?Wala namang ka-loveteam ngayon si Rayver, puwedeng-puwede silang magtambal kahit sa sa ilang shows ng Dos, ‘di ba?Magtu-twenty years old na si Sarah.

Siguro naman ay papayagan na siya ng mother na magka-crush o mag-karoon ng inspirasyon, lalo pa’t isang katulad ni Rayver na mabait, talented at guwapo.Aba, sino naman ang kukontra?





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

3 comments:

Anonymous said...

di sila bagay gusto ko si JLC at Sarah

Anonymous said...

sarah should just stay with jlc, mark, erik, or anyone beside rayver.

rayver already has someone =]

Anonymous said...

si Rayver naman tlaga crush ni sarah tagal na
si Melissa ricks ang GF ni rayver na magrereact