Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

ROBIN PADILLA roud na proud sa kanyang mga anak na sina Queenie at Kylie!!


ROBIN PADILLA roud na proud sa kanyang mga anak na sina Queenie at Kylie!!

Written by Lolit Solis

Robin Padilla

SI ROBIN PADILLA naman, proud na proud sa kanyang mga anak na sina Queenie at Kylie dahil nakikita na nito ang talento nila sa showbiz.


Nu’ng nakaraang linggo lang, talagang tumakas si Robin sa shooting niya sa Sundo ng GMA Films para mapanood lang ang anak niyang si Queenie na special guest sa isang Muslim artist na nag-concert sa Music Museum.


Kuwento nga ng Startalk staff namin, may ibubuga si Queenie sa pagkanta at konting hasa pa, puwede na itong ilaban sa mga magagaling na singer, ha!


Napanood n’yo naman siguro sa Startalk ang interview namin sa mag-amang Robin at Queenie na nagkaiyakan pa. Meron pala silang tampuhan nu’n kaya nagulat si Queenie nang nakita niya ang Papa niya na nanood sa kanya. Naiyak ito at pati si Robin, medyo naluha din.
Sa interview ngang iyun, nanawagan pa si Queenie sa Mama niya na bumalik na ito sa Pilipinas para alagaan sila, pati ang Papa nila.


Pero medyo nakakaduda lang kay Robin dahil parang sa mga anak na lang siya nagsasalita, pagdating sa asawa nitong si Liezel, ayaw niyang mag-comment at hindi man lang niya masabing mahal niya si Liezel, ha!


May problema kaya silang mag-asawa? Ang sabi lang ni Robin, “Hindi. Mga bata na lang ang iniisip namin. Iyong mga personal namin ni Snow White (tawag niya kay Liezel), isinasantabi na lang namin ‘yun. Hindi nawawala ‘yun, pero ‘yung araw-araw naming pamumuhay, eh nakalaan na ‘yun para sa mga bata. Iyong pag-ibig namin sa isa’t-isa, nakatanim na lang sa puso ‘yun.”


Sabi naman ng mga taong malapit kay Robin, parang wala naman daw silang problemang mag-asawa. Sa katunayan, nakatakda pa nga silang mag-anak na magbakasyon sa Europe.






Source: Pinoy Parazzi




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: