Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, September 1, 2008

Rhian Ramos dispels rumors linking her to Rayver Cruz

Rhian Ramos dispels rumors linking her to Rayver Cruz

Rhian Ramos dispels rumors linking her to Rayver Cruz
Nali-link pa rin ang GMA-7 young actress na si Rhian Ramos sa kung kani-kaninong male celebrities.

Pagkatapos niyang ma-link sa mga tulad nina Richard Gutierrez, Mo Twister, PJ Valerio, Paolo Paraiso, Marco Alcaraz, Mark Herras, at pati na sa non-showbiz guy na si Phillip Gozon (son of GMA-7 President and CEO Atty. Felipe Gozon), ngayon ay sa ABS-CBN 2 young actor na si Rayver Cruz naman naiuugnay si Rhian.

May nagpakalat kasi ng balita via Internet and text message na nahuling nakikipag-date si Rhian sa dating ka-love team ni Shaina Magdayao sa isang Spanish restaurant sa loob ng BF Homes Subdivision in ParaƱaque City. Ang pangalan pa nga raw ng restaurant ay Amalia's Resto.

Naganap nga raw ang naturang secret date ng dalawa last August 26. Sa katunayan daw ay after ng early dinner date ng dalawa ay tumakbo pa si Rhian papunta sa premiere night ng For The First Time sa SM Megamall.

Nang tanungin nga namin si Rhian sa press conference ng pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films tungkol sa tsismis na ito, hindi naman ito nag-deny na kasama nga niya si Rayver noong gabing iyon sa isang restaurant. Pero hindi naman daw niya matatawag na date iyon dahil, ayon sa kanya, ay nagkatawagan lang daw sila noong araw na iyon.

"Matagal ko nang kilala si Rayver. I met him sa isang event na pareho kaming guest last year pa. And we've been texting naman each other. Kumustahan lang naman. There's nothing serious going on between us.

"Nagkataon that day, which was Tuesday, wala naman akong work except sa pupunta ako sa premiere night ng movie ni [‘Chard and KC [Concepcion] sa SM Megamall. Nag-text sa akin si Rayver and he asked if we can meet up and have an early dinner somewhere near lang.

"Since I'm coming from Alabang and he's from ParaƱaque, nag-meet up na lang kami sa alam niyang malapit na restaurant. I cannot qualify it as a date kasi parang nag-meet up lang kami. Parang magkakaibigan na gustong magkita-kita lang."

Dagdag pa nga sa kumalat na balitang date ay ang public display of affection nila ni Rayver.

"My gosh, ano ba ‘yon?" sabay tawa ni Rhian.

"Bakit naman namin gagawin iyon? Ang dami kayang mga tao sa resto. ‘Tsaka hindi namin gagawin ni Rayver ang gano'n. Nakakahiya naman because we were just there to eat and talk. Yun lang naman ang ginawa namin talaga. Eat and run nga ako kasi pupunta pa ako noong premiere night."

Ang nakakagulat pa sa balita ay si Rhian daw ang nagbayad ng kinain nila ni Rayver.

"Sobra naman ‘yan!" malakas na tawa niya. "Grabe, ako na ngayon ang nanlilibre sa lalake!

"I really don't know where all these news are coming from. Nakakahiya naman kay Rayver because siya yung nag-invite na kumain ‘tapos ako ang magbabayad. Parang hindi yata tama.

"Ang alam ko is that yung kinain namin was already paid and a gentleman always takes care of the bill, ‘di ba? Nakakatawa naman ‘yan. Hindi ko kinaya ‘yan!"

Tiniyak ni Rhian na hindi naman daw nanliligaw si Rayver sa kanya. Tinuturing nila ang isa't isa bilang magkaibigan lamang. Pero paano kung biglang magsabi si Rayver na gusto siyang ligawan? Okey lang ba kay Rhian?

"Ay naku, parang magugulat naman ako. I just wanted to be friends with Rayver. Wala naman sigurong masama roon, ‘di ba? We know each other for quite a long time now. Siyempre, I would be surprised kung bigla siyang manligaw.

"Malinaw naman sa kanya na friends lang kami. But if he wants to take it to a different level, iba na iyon. We come from different TV networks at isang factor iyon kung bakit hindi puwedeng mag-work just in case. Okey lang naman na magkaibigan kami."

Sa nalalapit na 18th birthday niya sa October, invited kaya si Rayver?

"But of course. Lahat naman ng mga kaibigan ko ay imbitado. Depende naman iyon siguro kung papayagan si Rayver. Like what I said, we belong to different networks. Ayoko namang mapagalitan si Rayver dahil um-attend siya ng debut ko. Bahala na siguro kung papayagan siya. But definitely, I will invite him to my debut."








Source: PEP





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

9 comments:

Anonymous said...

yukkkkk!!!!!! hope this is not true
plzzz lang not Rayver!!!!!!

Anonymous said...

halatang GIMIK!!!! huwag na sana lumipat si rayver sa gma kung si rhian lang ang makakapareha niya

Anonymous said...

ang landi tinawagan lang sumama na agad

tere said...

YUCK! KADIRI TLGA YANG RAYVER PUMAPATOL SA CHEAP! IBIG SABIHIN CHEAP DIN SYANG LALAKI!

KAYA PALA BINASTED SYA NI SHAINA EH KASI MGA TIPO NYANG BABAE EASY TO GET TULAD NI RHIAN!

Anonymous said...

FYI hindi cheap c rayver!!!

Anonymous said...

Hindi type ni Rayver si rhian!!!!!!
si Rhisn ang humahabol kay rayver!!!!

Anonymous said...

Hoyyy!!!! TERE nabasa mo na ba ito

http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2008-09-12&sec=3&aid=72625


Sino ngayon ang Cheap!!! Nakakahiya yang Rhian na yan di lang c Phil Younghusband pati ang manager nito nagsasabi na hindi totoo mga sinasabi ng kampo ni rhian,at fabricated lang ang kwento n crush ni Phil si rhian
hay!!! basahin niyo na lang!!! cheap talaga ni rhian!!!

Anonymous said...

sinungaling itong rhian na ito!!!! desperada na sumikat!!!! nagpapauso pa ng mga kwento!!!! siya ang tumawag kay Rayver!!!! ngayon binabaligtad niya ang kwento si rayver daw tumawag sa kanya!!!!hahahahaha!!!!!

Anonymous said...

malandi yan si rhian!!!! kinukulit si rayver!!!