Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, September 30, 2008

Rayver Cruz "flattered" to be Sarah Geronimo's crush

Rayver Cruz "flattered" to be Sarah Geronimo's crush


Naging tampulan ng tukso few Sundays ago sa programang The Buzz si Sarah Geronimo nang diretsahan siyang paaminin kung sino ba talaga ang tinutukoy niyang crush niya na kasamahan sa ASAP '08 na magaling sumayaw at ‘pag nakikita niya ay nakakaramdam siya ng saya.

Walang komento si Sarah nang banggitin sa kanya ang mga pangalan nina ang leading man niya sa A Very Special Love na si John Lloyd Cruz at iba pang kasamahan sa ASAP '08. Pero nang masabi ang pangalan ni Rayver Cruz ay nag-blush si Sarah sabay tawag sa pangalan ng inang si Mommy Divine.

Wala mang diretsahang pag-amin na si Rayver nga ang tinutukoy ni Sarah, nabuo sa isip ng marami na mukhang ang young actor nga ang pinapatungkulan ng Pop Princess base na rin sa reaksiyon niya.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Rayver sa launching ng Star Magic 2009 Catalogue kahapon, September 28, sa EDSA Shangri-La. Hiningi namin ang reaksiyon niya baka siya nga ang pinatutungkulan ni Sarah na crush nito.

"Kung sakali mang totoo yun, siyempre sobrang flattered ako," simula ni Rayver. "Sino ba naman ang hindi matutuwa, Sarah Geronimo yun? Pero wala naman kasi siyang sinabing pangalan, so mahirap magsalita.

"Aaminin ko crush ko talaga si Sarah. Kasi sino ba naman ang hindi magkaka-crush sa kanya? Nasa kanya na ang lahat ng katangian na magugustuhan ng isang lalake. She's pretty, magaling siyang kumanta, magaling sumayaw, at mahusay umarte, ‘tapos mabait pa," pag-e-enumerate ng bata.

A SEXIER RAYVER? Sa cover ng isang showbiz glossy magazine ay nagpakita ng katawan niya si Rayver. Marami tuloy ang nanghula na maaaring simula na raw ito ng pagtanggap ni Rayver ng mga daring and matured roles.

"Ang nangyari kasi diyan, dumating ako na naka-magandang polo, ‘tapos nakita ko yung mga pictures na nakahubad sila [fellow young actors]. So no choice na ko. Sabi ko nga, sige magkakatropa naman kami, gagawin ko rin yung ginawa nila.
"Darating naman na na gagawa talaga ako ng mga medyo daring and matured roles, kailangan yun, dapat habang tumatagal, medyo mature roles na ang gagampanan mo. Gaya ng sinabi ko, that time will come. Pero siyempre dapat paghandaan muna," saad ni Rayver.


Source: PEP



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: