Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, September 9, 2008

Piolo Pascual welcomes competition and rivalry

Piolo Pascual welcomes competition and rivalry

Piolo Pascual welcomes competition and rivalry
Dahil sa malaking tagumpay ng unang teleserye ni Piolo Pascual with Angel Locsin sa ABS-CBN, may balitang magkaroon ng Part 2 ang Lobo. Pero nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Piolo tungkol dito ay wala raw siyang balita rito.

"Madugo, magastos. Hindi ko alam sa kanila [ABS-CBN/Star Cinema Productions]. Marami kaming babies sa ending," saad ni Piolo.

Kahit walang Part 2 ang Lobo ay tuloy pa rin ang tambalan nila ni Angel sa bago nilang pelikula. At the same time, open na rin sa lahat ang relasyon ni Angel kay Luis Manzano. Hindi kaya makaapekto sa tambalan nila ni Angel ang relasyon ng young actress kay Luis?

"Ever since we started our love team, our team-up, I think hindi nakakaapekto sa relationship namin or sa team-up namin. Actually, lumakas pa nga because ang dami nung thread ng love team sa Pinoy Exchange, may grupo sa iba't ibang parte ng mundo. So, hindi ko naman nakitaan na may conflict. And besides, Luis and I are friends. Every Sunday we see each other sa show [ASAP ‘08]."

Masaya ba siya para kina Luis at Angel?

"Basta masaya sila, masaya ako," ngiti ni Piolo.

PIOLO'S LOVE LIFE. Kumusta naman ang love life niya? Niligawan ba niya ang babaeng type niya na kasamahan niya sa kanilang church?

"Wala na siya dito, e. She's from here but actually she's based in some other parts."

Nanghinayang ba siya nung umalis yung girl?

"Well, I believe in perfect timing. I believe in destiny. I believe if it's for you, it's gonna happen."

WORKING LIKE A HORSE. Sa ngayon, mas tutok pa rin daw siya sa kanyang showbiz career.

"Kasi sa sampung taon ko na pagtatrabaho, grabe, para akong kabayo! Daig ko pa ang kabayo, di ba? Sa grabe ko sa pagtrabaho, hinahanap ng katawan ko.

"Kapag nagbabakasyon ako sa Amerika ng two weeks, nami-miss ko yung trabaho. Pero nowadays po, at least po in between work, nakakapag-prepare ako before I start a new show, a new movie.

"So, at least, there's time to...may downtime to do other stuff. Like for instance this movie with Angel after Lobo, I was planning to do an indie film habang nagte-train ako for the movie. Natapos ko po yung Manila. Natapos ko siya nang hindi sinasadya. Dapat mag-a-adjust ako habang ginagawa ko yung sa movie na gagawin namin ni Angel. E, natapos ko siya. Sa sobrang kaadikan ko sa trabaho, after training, dumidiretso na ako sa location," lahad ni Piolo.

PIOLO'S TRIBUTE TO BROCKA & BERNAL. Ang Manila ay munting tribute ni Piolo at ng direktor niya sa movie na si Adolf Alix sa filmmakers na sina Lino Brocka (Jaguar) at Ishmael Bernal (City After Dark/Manila By Night).

"Napanood ko yung Jaguar at City After Dark. Binigyan ako ng copy ni Direk Adolf. Doon namin binase yung movie and it's not a remake. Twinbill siya pero it happened in one day," paglalarawan ni Piolo tungkol sa kanyang indie film na siya rin ang nag-produce.

Si Rosanna Roces ang gumanap bilang ina ni Piolo sa Manila. Sampung araw raw sila nag-shoot ni Osang. Pero ang direktor nila na si Adolf ang nag-convince kay Osang na tanggapin ang proyekto.

"Perosonal choice ko rin siya," sabi ni Piolo. "Kasi siya lang yung pinakamalapit kay Tita Chato [ang yumaong aktres na si Charito Solis]. Siya [Osang] talaga ang first choice."

Hindi ba sila nagkaroon ng problema kay Osang sa set?

"There was a time, ang call time niya 3 p.m. She was there on time and even na magkaesena kami, she came ahead of me. She likes the project. I'm happy that she accepted. First indie [film] niya yun."

Hindi ba siya nagkaroon ng second thoughts nang kunin niya si Osang with all the negative issues tungkol sa attitude diumano ng aktres sa pagtatrabaho?

"Hindi ko pa naman siya nakatrabaho, so wala akong preconceived notion about her, how she works, ganun. Wala akong judgment," sagot ni Piolo.

Ayon kay Piolo, wala raw siyang leading lady sa Manila pero kasama rin si Alessandra de Rossi sa cast. Sa palagay niya, hahakot ng award ang first movie na iprinodyus niya, hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na sa ibang bansa?

"Ako, joke!" tawa niya. "Gusto ko sana ma-appreciate ng tao ang Manila kasi maraming hindi nakapanood noon dati, e. Pero siyempre, it's definitely...ang aim is not only after recognition or award. Gusto ko lang makapagbigay ng ibang aspeto ko bilang aktor—ibang character and definitely something different, something edgy. Alam naman natin na lahat ng ginagawa ko sa Star Cinema puro commercial, puro mainstream."

February 2009 na raw ang showing ng first movie na iprinodyus niya at ang Star Cinema ang kanyang media partner. Pero hindi raw itatapat ang Manila niya sa Richard Gutierrez-KC Concepcion movie ng GMA Films next year.

Dagdag ni Piolo, umabot na raw sa five-million pesos ang nagastos niya sa Manila.

"Kinuha ko yung ginastos ko doon sa naipon," banggit niya.

Kinailangan bang magbenta siya ng property para lang matapos ang first movie niya bilang producer?

"Hindi pa. Naku, hindi pa!" tawa niya.

HEALTHY COMPETITION. Isa si Piolo sa mga binanggit ni Mother Lily Monteverde na gusto niyang hiramin sa ABS-CBN at Star Cinema para sa kanyang film outfit na Regal Entertainment. Payag ba si Piolo rito?

"Exclusive po ako sa Star, e. ‘Pag pinahiram po. Pero nakapirma ako sa Star ng three pictures for three years. Depende po kay Tita Malou," sagot ng matinee idol.

If ever, dagdag pa ni Mother Lily, gusto niyang itambal si Piolo kay Marian Rivera.

"Depende po kay Tita Malou. Sumusunod lang ako kay Tita Malou," ani Piolo.

Mas iigting daw ang competition sa kanila ni Dingdong Dantes kapag itinambal si Piolo kay Marian, na ka-love team ni Dingdong. Ano ang reaksiyon ni Piolo rito?

"No, Dingdong and I are friends," diin ni Piolo. "I have no issues against the guy. I actually admire him because grabe rin naman ang pinagdaanan ni Dingdong. Kung magkaroon man ng competition, it will be a healthy competition. But both of us will benefit from it."

Nagkaroon din ng tsismis na lilipat si Richard Gutierrez sa ABS-CBN. Kung sakali, welcome ba kay Piolo ang paglipat ni Richard sa ABS-CBN at dagdag sa sumisikip na hanay ng maraming mahuhusay at guwapong aktor ng Kapamilya network?

"Sa Star Cinema nakagawa siya, e. I never had any problems. Ako naman ang taong hindi maisyu, e. The more the merrier. As long as we can provide jobs to a lot of people, not just to actors but to our production staff or crew, well and good.

"Mas maganda mas marami yung competition. Mas maraming nabibigyan ng trabaho and at the same, I think kung wala kang karibal o kalaban, hindi masaya. So, I think we all benefit from it—John Lloyd [Cruz], Sam [Milby], Dingdong, Richard, all of us."

May movie ba siya na gagawin with KC Concepcion?

"Meron po. Hopefully, soon. Definitely after Angel," pagkumpirma niya.

May panghihinayang ba kay Piolo na nauna si Richard na makapareha si KC kesa sa kanya?

"Ay, hindi po. Isa lang ang katawan ko!" tawa niya.




Source: PEP



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: