Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, September 1, 2008

Piolo Pascual doesn't feel threatened if Richard Gutierrez transfers to ABS-CBN

Piolo Pascual doesn't feel threatened if Richard Gutierrez transfers to ABS-CBN

Piolo Pascual doesn't feel threatened if Richard Gutierrez transfers to ABS-CBN
Confident si Piolo Pascual na patuloy pa ring tatangkilikin ng publiko ang tamabalan nila ni Angel Locsin kahit open na ang relasyon ng young actress kay Luis Manzano. In fact, napakalakas ng feedback sa kauna-unahan nilang tambalan sa telebisyon sa teleseryeng Lobo ng ABS-CBN kaya naman binigyan agad sila ng first movie project ng Star Cinema Productions.

"Ever since we started our love team, our team-up, wala namang I think nakakapekto sa relationship namin or sa team-up namin. Actually, lumakas pa nga because ang dami nung love team na thread sa Pinoy Exchange [website], may grupo sa iba't ibang parte ng mundo. So, hindi ko naman nakitaan na may conflict. And besides Luis and I are friends. Every Sunday we see each other sa show," lahad ni Piolo.

WHAT HAPPENED TO THE "CHURCHMATE"? Masaya raw si Piolo para kina Angel at Luis. Kung happy si Angel kay Luis, kumusta naman ang puso ni Piolo? Ano na ang nangyari sa churchmate niya na gusto sana niyang ligawan?

"Wala na siya dito, e. She's from here. But actually she's based in some other parts."

Hindi siya nanghinayang na nawala yung girl?

"Well, I believe in perfect timing. I believe in destiny. I believe if it's for you, it's gonna happen."

Okey lang daw kay Piolo kung hindi pa dumarating ang babaeng para sa kanya. Bising-busy pa rin naman daw siya sa kanyang career.

"Kasi sa sampung taon ko na pagtatrabaho, grabe para akong kabayo. Daig ko pa ang kabayo, ‘di ba? Sa grabe ko magtrabaho, hinahanap ng katawan ko. Kapag nagbabakasyon ako sa Amerika ng two weeks nami-miss ko yung trabaho.

"Pero nowadays po at least po in between work nakakapag-prepare ako before I start a new show, a new movie. So, at least there's time to... may downtime to do other stuff like for instance this movie with Angel.

"After Lobo I was planning to do an indie film habang nagtri-train ako for the movie, natapos ko po yung Manila. Natapos ko siya ng hindi ko sinasadya. Dapat mag-a-adjust ako habang gingawa ko yun sa movie na gagawin namin ni Angel. E, natapos ko siya. Sa sobrang kaadikan ko sa trabaho, after training dumidiretso ako sa location."

BORROWING PIOLO. Nabanggit ng Regal martriarch na si Mother Lily Monteverde na hindi na niya itutuloy ang demanda kay Angel Locsin at ang kapalit nito ay ang pagpapahiram sa kanya ng Star Cinema either kay Piolo or John Lloyd Cruz para itambal kay Marian Rivera.

"Exclusive po ako sa Star, e. ‘Pag pinahiram po... Pero nakapirma ako sa Star ng three pictures, three years. Depende po kay Tita Malou [Santos, Managing Director ng Star Cinema]."

Kapag natuloy ang tambalan nila ni Marian lalong iigting ang kumpetisyon nila ni Dingdong Dantes.

"No, Dingdong and I are friends. I have no issues against the guy. I actually admire him because grabe rin naman ang pinagdaanan ni Dingdong. Kung magkaroon man ng competition, it will be a healthy competition. Both of us will benefit from it."

RICHARD'S TRANSFER. E, kung lumipat naman kaya si Richard Gutierrez sa ABS-CBN, okey ba sa kanya?

"Bakit naman po hindi? Sa Star Cinema nakagawa siya, e. I never had any problems. Ako naman ang taong hindi maisyu, e. The more the merrier, as long as we can provide jobs to a lot of people, not just to actors but to our production staff or crew, well and good."

Sa tingin niya hindi sisikip ang mundo nila sa ABS-CBN kapag lumipat si Richard?

"Mas maganda nga yun, e. Mas maganda, mas marami yung competition. Mas maraming nabibigyan ng trabaho and at the same I think kung wala kang karibal o kalaban hindi masaya. So, I think we can all benefit from it, John Lloyd [Cruz], Sam [Milby], Dingdong, Richard, all of us."

Hindi kaya siya mai-insecure kung mas mataas ang makuhang talent fee ni Richard kesa sa kanya kapag lumipat na ang kapatid ni Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN?

"Ah, I'll cross the bridge when I get there," tapos ni Piolo.









Source: PEP





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: