Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

Personal ang paninira kay Echo!

Personal ang paninira kay Echo!
Written by Pilar Mateo

JERICHO ROSALES

TULUYAN NANG BINASAG ng aktor na si Jericho Rosales ang pananahimik niya hinggil sa matagal nang naghahanap ng kasagutan sa tanong kung totoo ba’ng may third party sa naging hiwalayan nila ng kanyang pinakahuling girlfriend, maliwanag ang sagot - WALA!
At kahit ang Malaysian model and actress na si Carmen Soo, na biniktima pa at inintrigang leading lady ni Jericho sa malapit nang ipalabas na teleseryeng Kahit Isang Saglit sa ABS-CBN, sa pakikipagtulungan sa Double Vision ng Malaysia, itinatanggi na may romansahang namagitan sa kanila ng aktor nang gawin nila ang mahahalagang eksena nila sa Malaysia.
Kahit na matagal-tagal ding namahinga sa mainstream scene si Jericho bilang isang aktor, binigyang laya naman nito ang kanyang passion sa pagiging isang musikero, na naging daan din daw para naman ang mga saloobin niya eh, maisalin niya ang mga titik sa musika.


Hindi rin daw puwedeng ma-insecure at ma-threaten si Jericho sa mga nakasama na niya at kaibigang gaya ni Piolo Pascual at ang sumusunod naman dito na si John Lloyd Cruz. Oo nga raw at nu’ng nakikita na niya ang naglalakihang billboard ng mga ito, meron lang parang kurot sa puso niya, worth pa rin naman daw ang pagsasakripisyo niya para meron din siyang ibang magawa.


Sa pagkawala, mas maraming bagay na nakita si Jericho. Ang kabuluhan ng kanyang pamilya at ng kanyang anak. At ang pagpapahalaga sa mga taong sa panahong wala siya eh, patuloy pa rin siyang sinuportahan sa mas pinili niyang gawin.


Yes, he is fast recovering from heartache. Dahil sa trabaho niya raw ibinubuhos ang atensiyon niya.


One more thing na nilinaw ni Echo sa nagdaan niyang relasyon, na isa rin sa mga isyu na ibinato sa kanya eh, ‘yung paninigaw raw niya sa kanyang ex-girlfriend kapag nag-aaway sila.

NOT TRUE, na naman! Tumataas lang daw ang boses niya kapag hindi sila magkaintindihan. At parehong tumataas ang mga boses nila. Pero take note, walang pisikalan, ha?

Ang maganda pa sa sinabi ni Echo sa tanong sa kanya kung totoo rin daw bang hindi niya ipinaglaban ang ex niya sa mga magulang nito? Ano ba, HINDI NGA TOTOO. Kasi, ang sabi rin ni Echo, “Ipinaglaban ko siya sa buong mundo!”


At sa mga bumebengga sa aktor na laos na, flop ang TV show, at kung anu-ano pa, ano ba naman kayo? Alam naman natin na isa sa inihahanay na sa mahuhusay na aktor si Jericho. Kung titira, ‘yung tamang tira, walang bahid ng personalan.






Source: Pinoy Parazzi



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: