Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

Paolo Bediones, ayaw patulan ang isyung may ‘gay benefactor’ siya

Paolo Bediones, ayaw patulan ang isyung may ‘gay benefactor’ siya
Written by Melchor Bautista

Paolo Bediones
AYAW NA LANG mag-react ni Paolo Bediones sa tsismis na mayroon siyang gay benefactor, dahil hindi na rin naman daw bago sa kanya ang mga ganitong intriga magmula nang pumasok siya sa showbiz. Nagsimula raw kasi ang bagong intrigang ito sa kanya, dahil mayroon nga siyang mga pinapasukang iba’t-ibang klaseng negosyo kung saan niya ini-invest ang kanyang mga kinikita bilang TV host.


Katuwiran ni Paolo, sa iba’t-ibang negosyo o kahit na raw sa showbiz, hindi mo naman mapipili ang mga tao na pupuwede mong makasalamuha. Kalat naman daw sa lahat ng larangan ang mga tomboy at bakla, kaya kung sino man at anumang gender ng mga taong nakakasama niya ngayon sa trabaho, hindi niya pupuwedeng piliin para walang intriga na ipukol sa kanya.


Kung sabagay, hindi na rin naman nakapagtataka itong tsismis na may gay lover si Paolo. Pantasya rin naman kasi siya ng mga kabadingan sa showbiz, dahil nasa kanya ang mga katangian ng isang lalaki na pagnanasaan mo. Guwapo siya, moreno, matangkad, magandang magdala ng kasuotan at higit sa lahat, napakaganda ng kanyang katawan. Kinukuwestiyon din ang gender ni Bediones, na diumano’y bading din siya. Kaya lang, mayroon din namang mga past girlfriends niya ang lumitaw, at nagpapatunay na hindi naman berde ang dugo ng guwapong TV host. Talaga lang daw malihim ang binata tungkol sa kanyang lovelife.





Source: Pinoy Parazzi



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: