Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

Mickey Ferriols relates Archie Alemania's fake marriage proposal to her on national TV

Mickey Ferriols relates Archie Alemania's fake marriage proposal to her on national TV

Mickey Ferriols relates Archie Alemania's fake marriage proposal to her on national TV
Magdadalawang taon na ang bunga ng pagmamahalan nina Mickey Ferriols at Archie Alemania na si Brent Marquez Alemania at bibung-bibo ito na hinuhulaang ‘di maglalaon ay pag-aartista din ang patutunguhan nito sa paglaki. Kaya nga sa press visit ng Dyosa sa 2nd floor ng ELJ Building ng ABS-CBN, kung saan kinukunan ang mga eksena ng nasabing TV show, ay nagkaroon ng pagkakataong makapanayan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mickey na gumaganap bilang Sinukuan, inang diyosa ni Anne Curtis na bida ng nasabing fantaserye.

Isa sa mga unang naitanong ay kung kailan sila lalagay sa tahimik ng kanyang live-in partner na isang TV host/actor.

"Siguro June last year, he told me na, ‘Babe, let's get married na.' Nagyayaya na, e. Kaya lang naaalala ko noon na ilang beses itong nag-propose pero biglang nalaman ko na request lang pala ito ng isang programa doon sa isang topic na pag-uusapan.

"Masakit 'yon on my part, sabi ko sa kanya, ‘You could you have told them na huwag naman ganyan at sabihin mo na, I'll propose to Mickey doon sa time na ready kami, hindi dahil maggi-guest kami doon sa show.'"

Ang totoo nito, natulala siya nang mag-propose sa kanya si Archie on TV. Natanong pa niya ito kung seryoso ito sa kanyang pinagsasasabi na ginatungan pa ng host na seryoso ang pagpo-propose ni Archie.

Nalaman ni Mickey after a year, ang nasabing eksena sa programa nang pag-usapan nila ang tungkol sa kasal. Pinilit lang pala si Archie at nag-sorry naman ito sa kanya. Kaya naman daw nito nagawa ito ay dahil iniisip nito ang sasabihin ng host at nakaramdam ito ng pressure.

"Sabi ko, ‘Sana, Babes, ni-reserve mo na para sa akin. Akin 'yon, e, moment ko 'yon.' Sobra akong na-disappoint sa pangyayaring 'yon. Kaya nang nag-propose uli siya noong June, medyo may pagdududa na ako.

"Sabi niya seryoso na siya at teary-eyed pa siya nang sabihin na niya 'yon. Teary-eyed din ako kaya naisip ko na baka totoo na yata ito. Lalo na nang hawakan niya ang kamay ko nang mahigpit, kaya sabi ko, ‘Ikaw ang bahala."

Ang plano pala ni Archie ay civil muna ang kanilang kasal dahil bukod daw pagpapakasal nila sa simbahan. Balak sana nilang gawin ang church wedding next year but they decided na sa 2010 na talaga. Magkaganun man, nandoon pa rin ang pagdududa sa parte ni Mickey.

May mga pangyayari na once magpakasal na ang isang live-in couple, nagkakaroon ng problema ang relationship. Paano kung mangyari ang ganito kina Mickey at Archie?

"Kami, lampas na kami doon, e. We have passed that line na, pamilya na, e. Hindi na kami nagpapa-cute sa isa't isa. Kumbaga, we've been through the worst and the best of times.

"I do need to get married personally. Pang-sariling seguridad ko ito, for the child and for me as a person, as a babae."

CHURCH WEDDING. Kung si Mickey ang masusunod, gusto nito ang simpleng kasalan na nandoon ang pamilya at konting kaibigan, basta sa simbahan ito gagawin. Iba naman ang gusto ni Archie, gusto nito ng magarbong kasalan kaya kailangang mag-raise sila ng malaking halaga.

"I believe a church wedding is a blessing from God dahil ito ang nagsasabi ng, ito na ang pamilya mo. You will go, altogether, raising the family and I may not that conservative, when it comes to living together na hindi pa kami married, pero ako 'yong tipo ng babae na ‘pag alam ko, na commited ako sa isang lalaki ay magugunaw muna ang mundo bago ako magtaksil."

Naniniwala pa ba siya na at this point, na kaya kailangan niyang magpakasal ay dahil baka magkahiwalay pa sila?

"Ayokong magpakasal dahil naghahabol ako o baka magkahiwalay kami, gusto kong magpakasal kami kasi mahal namin ang bawat isa. For the right reason and not out of fear.

"I do love Archie. Kaso parang right now, hindi ko alam kung gusto ko pang umabot doon, na makasal kami. 'Yong diferrences namin, I don't know if it's helping us. Dati, looking forward ako growing old and so sure na I'll grow with him, but ngayon medyo, I'm not the same girl anymore.

"And as much as I'd like to be settled down for God to bless our partnership and as much as I've love to have that, parang ang hirap niyang magdesisyon. I don't know what to answer. I will tell Archie the next time he will ask me that question unless siguro magkaroon ng pagbabago."

Kinlaro ni Mickey na problema niya ito personally at hindi dahil kapos si Archie ng sustento dahil sa kakulangan ng project at medyo hirap sila sa buhay.

"Ang problema ay... I guess, it's ugali. If you think, ugali is a little part of a relationship, hindi, e. Hindi siya maliit na bagay. Tatlo na ang anak niya, dalawa sa previous nitong relationship at isa sa akin. The way I feel, he's not ready to be a family man. Mas appealing para sa kanya ang tawag ng gimik at barkada. Ako kasi, I'm in my stage of my life na graduate na ako diyan, I have a son.

"A beautiful son and that's all that matter to me now. That's why I'm working, e. Kasi siya na, e. Ako, naka-focus na ako sa future, Archie kasi is, in the now."

AGE GAP. Sa tingin ng iba, malaking factor sa problema nila sa kanilang relationship ang age gap nila ni Archie. Sabi naman ni Mickey, nagkaroon siya ng boyfriend noon na limang taon ang tanda sa kanya pero talo pa siya sa pag-iisip nito.

In fairness, inamin naman nito na mahal pa rin nito si Archie at kung anumang pahayag ang nasabi niya ay pampersonal nitong side ng kanilang relationship. Naisip din nito na iba rin ang side ni Archie dahil iba ang paraan ng pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.

"Probably he loves us but not loving us the way we need to be loved. Kaya nga hindi ko madi-describe ‘yong totoong estado namin."



Source: PEP






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: