Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, September 8, 2008

Mark Herras excited about reunion project with Jennylyn Mercado

Mark Herras excited about reunion project with Jennylyn Mercado

Mark Herras excited about reunion project with Jennylyn Mercado
Naniniwala si Mark Herras na marami pa rin ang tatangkilik sa nalalapit na balik-tambalan nila ng una niyang ka-love team at dating girlfriend na si Jennylyn Mercado.

May niluluto na raw na project para muling pagsamahin ang dalawa at magsisilbi itong big TV comeback ni Jennylyn after nitong manganak sa baby boy nila ni Patrick Garcia. Hinihintay na lang daw ang full recovery ni Jennylyn dahil dumaan ito sa matinding emotional at physical stress.

Nonetheless ay excited si Mark sa idea na muli silang magsasama ni Jennylyn. Ang huli nilang TV project na pinagsamahan ay ang La Vendetta at huling pelikula naman nila ay ang horror film na Tiyanaks.

Nang tanungin si Mark kung ano ang mararamdaman niya kapag magsimula na ang project na pagsasamahan nila ni Jen, sinabi nito na matutuwa siya dahil matagal na rin niyang gustong makasama si Jen. Kahit na nga dumaan sila sa maraming intriga, alam niya na nandiyan pa rin ang mga fans nila.

"Noon pa naman namin gustong magsama ulit ni Jen kahit sa TV lang," sabi ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nandiyan pa rin naman ang mga solid fans namin at hinihintay lang kami. Natural na excited ako sa project na ‘yon.

"Matagal din akong walang permanenteng ka-love team. Kung kani-kanino na rin ako itinambal, pero hanap pa rin ng mga tao sa akin ay si Jennylyn. Kaya doon pa lang, alam ko na magiging okey ulit ang pagsasama namin."

Inamin ni Mark na hindi pa niya nadadalaw si Jennylyn after nitong makapanganak. Gusto ni Mark na kapag dadalaw siya ay may kasama siyang iba dahil ayaw niyang malagyan ng malisya ang pagdalaw niya.

"Mahirap na kasi na mag-isa akong pumunta para dalawin si Jen. Kasi yung nagbigay nga lang ako ng gatas noong buntis siya, may nagsulat agad na baka ako raw ang ama ng baby niya. Ang sama naman, di ba? Nagpapakita na nga ako ng concern, nilagyan pa ng pangit na kahulugan.

"Pero nagte-text naman ako kay Jen kahit na kay Mommy Lydia [Mercado, Jennylyn's adoptive mother] na one day basta na lang ako bibisita, pero kasama ko ang mga ka-batch namin ni Jen sa StarStruck. Maganda kasi na marami kami para mapadama namin ang suporta namin kay Jen at sa baby niya," lahad ni Mark.

Wala naman daw problema kay Mark kung sakaling kunin siyang ninong ni Jen para kay Baby Jaz.

"Noong buntis pa lang siya, sinasabi na namin na kami ang magiging ninong at ninang ng baby niya, kaming mga taga-Starstruck ‘yon. Natuwa naman si Jen kasi nga alam niyang nandiyan kami sa kanya parati."

Kasalukuyan nagpo-promote si Mark ng pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films, kung saan katambal niya si Rhian Ramos.






Source: PEP



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: