Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, September 8, 2008

Mark Anthony Fernandez, bagong ‘crush ng bayan’

Mark Anthony Fernandez, bagong ‘crush ng bayan’
Written by Chit Ramos
Mark Anthony Fernandez

TOTONG-TOTOO NA PALA ang balita na si Mark Anthony Fernandez ang “Bagong Crush Ng Bayan.”


Kung todo-todong tinilian siya sa Araneta Coliseum nu’ng b-day blow-out nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kapag napupunta siya sa SM Southmall, sobra-sobra na ang pagkakagulo ng mga fans na tinatawag siyang “Cyrus.” Ito ang pangalan niya sa Ako Si Kim SamSoon. Hindi po siya si Kim doon, kundi ang leading lady niyang si Regine Velasquez (his lucky charm).


As if hindi pa sapat ang bagong attention na ibinibigay sa kanya ng mga fans na sumusubaybay sa ASKS heto, marami na po ang tumatawag sa inyong lingkod at humihingi ng tulong kung paano siya mako-contact para sa commercials.
“Ang guwapo-guwapo niya talaga, Tita Chit!” Anang isa. “Kung nahihirapan kang kontakin si Kuwan (minention niya ang namesung ng Orig choice nila), si Mark na. Baka, hindi ka papahirapan.”


Mas madali nga ‘ika kong kontakin si Mark, dahil madaling tawagan sina kumareng Lolit Solis, LT at maging si Alma Moreno. At hindi ako ipapasa-pasa sa kung sinu-sinong handler na hindi naman sumasagot sa cellphone, hindi rin nagte-text back or nagre-return call, samantalang grasya na itong inaalok namin sa kanya. Sayang ang pagmamalasakit ng mga nakapaligid sa kanya. Binibigyan na ng BLESSing (intended ang all caps niyan for the clue) at mismong magiging kasama niya sana sa commercial. Sayang ang malaking respeto ko sa kanyang parents na alam kong welcome na welcome ang blessing na ito).


Anyways, his loss is Mark’s gain, kung saka-sakali.


Nagsisilbi ring angel sa buhay nina Mark (at LT, siyempre) ang sumakabilang buhay na nilang mahal sa buhay, si Rudy ‘Daboy’ Fernandez. Nu’ng libing pa lang, marami na ang umakbay kay Mark, nangangakong ipagdarasal ang tagumpay niya sa showbiz at pagtulong sa kanyang career. Kasama na ang inyong lingkod, promise.

SPEAKING OF MARK, the last time I was with him & his mom Alma Moreno sa kanyang b-day last year, ipinakilala sa amin sina Cameron at Chelsea. Naroon sila kasama ang iba’t iba pa nilang mga pamangkin at kamag-anak.


Ipinagmalaki ni Ness (palayaw ni Alma) ang mga guwapo at guwapa niyang apo. Hindi lang sila picture of a happy clan, but also a picture of ang gagandang creature sa planetang Earth, hahaha!


Kung makakalkal sana ng Pinoy Parazzi ang larawang kuha sa okasyong iyon na nalathala sa mismong column na ito, makikita ang pruebang binabanggit ko. In the next generation of kids, tiyak na mapapasama sina Chelsea at Cameron kung papayagan nina Mark at Ness na mag-artista.


Incidentally hahabulin talaga ng suwerte si Mark, dahil he has the making of a potential superstar (napabayaan lang niya). Mabait din siyang anak kina Daboy, LT at Ness at kapatid (nina Vandolf, Renz at Ralphe).


Mark has also suffered enough frustration to make him a better actor na siyang unang napansin sa kanya sa pelikulang Matimbang Pa Sa Dugo na pinagsamahan nila ni Daboy.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: