Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, September 8, 2008

Marian-Gabby movie, bulilyaso!

Marian-Gabby movie, bulilyaso!


GUSTO sanang gawan ni Mother Lily ng movie sina Gabby Concepcion at Marian Rivera at ang GMA Films, ang kasosyo niya sa proyekto.

Ito sana ‘yung mo­vie na gagawin ni Gabby sa GMA Films bilang kapalit ng hindi niya paggawa ng pelikulang ITA­LY. Pero nabulilyaso na naman ang project dahil sa kontratang pinirma­han ni Gabo sa Star Cinema. May provision daw sa kontrata niya na sa abroad lang dapat ang shooting ng movie niya. Hindi siya puwedeng gumawa ng pelikula na rito isu-shoot, huh!

Kaya natengga na naman ang movie ng aktor sa GMA na sososyohan sana ni Mother Lily.

Teka, ano itong nari­nig naming tsismis na diumano, gusto nang kumawala ni Gabby sa kontrata niya kay Mommy Rose Flaminiano? Masyadong delikado ang issues involved kaya hindi na kami magbibigay ng detalye kung bakit.

Eh, 5 years daw pala ang kontratang pinirma­han ni Gabby kay Mommy Rose kaya lalong lumabo ang gusto niyang kumawala sa manager na nagbalik sa kanya sa bansa.

JUN NARDO
Abante Online






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: