Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

Luis Manzano, nagkukuripot pati kay Edu


Luis Manzano, nagkukuripot pati kay Edu
Edu seeks Church help in fight vs. porn

Walang tampo o hinanakit si Edu Manzano sa kanyang panganay na anak kay Vilma Santos na si Luis Manzano, kahit pati siya ay kinukuriputan nito dahil alam niyang nasa point ito ng paghahanda ng kanyang kinabukasan. Nag-iipon ito.

‘‘Naiintindihan ko naman siya. Hindi naman ito palagi, when he has saved enough, magsi-share din siya. It’s as if naman wala siyang ibinigay sa akin o hindi niya naalala ang birthday ko, in fact pinadalhan niya ako ng charms & crystals and that is enough to know that he did not forget,’’ sabi ng magaling na host ng Pilipinas, Game Ka Na Ba.

Isa si Luis sa tatlong anak ni Chairman Edu na nagpapaligaya sa kanya. Mayroon pang dalawa, sina Addi at Enzo at ang babaeng nag-aalaga sa kanya.

‘‘She is a wonderful woman who takes care of me and who has qualities na ka­tang­­gap-tanggap, pati sa mga anak ko, meron siyang sense of humor,’’ pagmamalaki niya.

Nakatakdang pumunta ng Korea si Edu for a series of shows. ‘‘Magiging front act ako ni Charice Pempengco,’’ pagbibiro niya, adding that, ‘‘I want to make people happy, too, through music.’’

Going back to his son Luis, sinabi ni Edu na kahit palabiro ito ay: ‘‘He wants to look at himself as a serious actor, he takes his craft seriously.’’








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: