Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

Litaw na litaw ang acting ni Diether sa Iisa Pa Lamang

Litaw na litaw ang acting ni Diether sa Iisa Pa Lamang
Written by Archie de Calma
iisa pa lamang

NAKAAADIK PALANG MAG-TV marathon, at sinubukan naming panoorin ang primetime shows ng ABS-CBN para masipat ang kalidad ng programming nila. Tinutukan namin for two consecutive nights ang Iisa Pa Lamang, at topnotch ang aktingan dito.


Patalbugan sa akting sina Claudine Barreto at Cherry Pie Picache. Worth watching ang IPL dahil sa walang patumanggang tarayan at patutsadahan ng dalawang aktres. Kumbaga, walang nagpapatalbog sa dalawa, na hindi na kailangang makipag-agawan ng eksena.
Pero, kung mayroong totoong mapupuri sa IPL among its cast members base on enormous improvement, ito ay si Diether Ocampo. Kung tutuusin, may tendency na maging one-dimensional ang character na ginagampanan ni Diet sa nabanggit na teleserye, 'yung tipo bang bait-baitan na mapagkumbaba, pero what spells the difference ay nagagawa na ni Diet na palalimin ang atake niya sa kanyang role.


Ito ang nakita naming malaking difference kung ikukumpara, let's say, sa performance ni Gabby Concepcion. Mayroong mga nagku-comment na bakit daw tinanggap ng kampo ni Gabby ang role niya sa IPL gayong tumatakbo ito ng mahaba-haba nang panahon, pero hindi masyadong nagmamarka ang performance ng aktor kung ikukumpara sa iba pang kasama niya sa cast.


We strongly believe that it's not the role. Palagay namin, sa tagal ng absence ni Gabby, nabawasan ng brillo ang akting niya. Hindi naman ganito ang intensity ng performances niya kung ikukumpara sa nagawa niya sa mga pelikulang Hahamakin Lahat at Sinungaling Mong Puso, more than 13 years ago.


Hindi namin sinasabing bano kung umarte si Gabby, pero, in the company of stalwarts and very good performers, hindi siya gaanong rumerehistro sa IPL, gayong binibigyan naman siya ng magandang partida rito.


Kaya nga hindi namin maiwasang ikumpara siya kay Diet, who's much younger, pero kahit simpleng eksena lang to reveal the most basic emotions, napaka-creative na nitong naide-deliver.


To think na, objectively, nilalait-lait namin si Diet noon dahil nabigyan na siya ng grabeng breaks noon, hindi naman namin nararamdaman ang inaasahan naming improvement sa kanya.


Rito lang sa IPL namin masasabing, finally, Diether has arrived as a seasoned actor and a thespian. Ang nagagawa nga naman ng pagtitiyaga, at malamang, 'yung kaliwa't kanang kritisismong natatanggap ng aktor noon!



Source: Pinoy Parazzi



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: