Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, September 8, 2008

Kris Aquino at Arnel Ignacio, magtatapatan ng ‘bolahan’!

Kris Aquino at Arnel Ignacio, magtatapatan ng ‘bolahan’!
Written by Nitz Miralles
ABS-CBN 2-2006-06-14_20-32-57h 1

MALAPIT NANG HINDI masolo ng Go Bingo! ang viewers na mahilig maglaro ng on-line bingo dahil tatapatan na si Arnel Ignacio ng National Bingo ng ABS-CBN to be hosted by Kris Aquino. Hindi pa malinaw kung ire-retain ang Deal or No Deal at ililipat lang sa ibang time slot, ang tiyak, magkakaroon na rin ng programa sa bingo ang Ch. 2.


Alam na ng GMA-7 ang hakbang na ito ng Ch. 2 at siguro naman, ginagawan na nila ng paraan para i-improve pa ang Go Bingo! para hindi lumipat sa National Bingo ni Kris ang sumusubaybay sa programang ito.


The best daw sina Kris at Arnel sa pagho-host ng game show, at magkakaalaman na talaga kung sino sa kanila ang mas magaling ‘pag pareho na ang format ng kani-kaniyang show. Ang maganda nito, ang viewers ang makikinabang kung masipag silang sumali at higit sa lahat, kung marunong silang maglaro ng bingo.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: