Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, September 9, 2008

Kimerald World victory party


Kimerald World victory party
KIMERALD by carlo_lonzanida_26

NOONG Sunday ng gabi, nagbigay ng victory party ang Kimerald World, isang group of supporters nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Ginanap ito sa Marina Restaurant sa Quezon City. Ang party ay bilang selebrasyon ng success ng My Girl, na nagtapos noong Biyernes ng gabi.

Bongga ang grupong ito ng Kimerald followers. Very strong ang membership nila totalling to 5,000 around the globe.

Marami silang active members sa iba’t ibang bansa like the U.S., Canada, Australia, Middle East, Japan at Europe.

Hindi binigo nina Kim at Gerald ang kanilang followers. Mula sa isang mall show sa Robinsons Place Ermita, dumiretso sila sa nasabing victory party.

Hindi na kami nakarating sa okasyon dahil sa kaabalahan. Ang Kimerald World na yata ang pinaka-active na group of supporters na nakilala namin.

Naghahanda na sila sa suportang ibibigay sa Your Song Presents: My Only Hope, ang bagong show nina Kim at Gerald sa ABS-CBN after My Girl.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: