Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, September 27, 2008

Kim Chiu susulutin ni Robi Domingo kay Gerald

Kim Chiu susulutin ni Robi Domingo kay Gerald

Sabay kaming nag-guest ni Robi Domingo sa talk show ng TV5 na Juicy hosted by Alex Gonzaga at do’n namin nabuking na matagal na palang crush ni Robi si Kim Chiu.

Naku, eh, paano ‘yan? Taken na si Kim. Ang alam kasi namin, ilang buwan na silang mag-on ng ka-loveteam niyang si Gerald Anderson.

Ayon sa source na-min, na-develop nang husto si Gerald kay Kim hanggang pareho na silang na-in love sa isa’t isa.

May posibilidad din na maimbiyerna kay Robi ang Kimerald fans kapag nag-insist siya na mapa-lapit kay Kim.

“Naku, willing naman po akong maghintay, eh. Alam ko na ma-saya silang dalawa nga-yon, kaya hindi ako eeksena,” wika pa ng binata.

“At saka, hihiramin ko lang naman si Kim. Isasauli ko rin naman,” biro pa niya.

Eh, hindi naman kaya magalit si Gerald kapag nalaman nitong crush niya si Kim?

“Wala naman po si-gurong masama kung i-express ko kung ano ‘yung napi-feel ko. I admire her (Kim) and I guess, there’s nothing wrong about it,” wika pa niya.

Hindi pa nagkakaroon ng girlfriend si Robi. Kung saka-sakali, si Kim ang gusto niyang ma-ging first girlfriend.

Naku, kaya ba ni Robi na magregalo ng ma-mahaling kotse kay Kim katulad ng ginawa ni Gerald?

Birthday pala ni Robi kahapon (Sept. 27) and he’s now 18 years old na.

Finalist din siya sa search for Myx VJ ng Studio 23.

Well, with his good looks and talent, hindi malabong siya ang mag-win.

Happy birthday and goodluck, Robi!




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: