Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 10, 2008

Kian Kazemi admits "love-hate relationship" with fellow PBB ex-housemate Uma Khouny

Kian Kazemi admits "love-hate relationship" with fellow PBB ex-housemate Uma Khouny

Kian Kazemi admits "love-hate relationship" with fellow PBB ex-housemate Uma Khouny
Kinumpirma mismo ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 ex-housemate na si Kian Kazemi na totoo ang lumabas na isyu ng tampuhan at pikunan nila ng PBB Season 1 ex-housemate naman na si Uma Khouny sa set ng ABS-CBN travel show na Trip na Trip, kung saan kasama rin nila sina Katkat de Castro at ang dalawang dating PBB housemates din ni Kuya na sina Jayson Gainza at Franzen Fajardo.

"Actually, minsan yung biruan namin ni Uma, biruan lang. Pero minsan hindi mo maiwasan na yung biruan nagiging seryoso na. Minsan nagkakapikunan kami. Kasi pareho kaming vocal at prangka, e. Ako sasabihin ko kung ano yung ayoko, e. At siya ganun din.

"Pero we learn from each other's mistakes and strong points. Yung sa amin, parang love-hate relationship, e. Minsan okey, minsan hindi. Pero kapag hindi kami okey, hindi kami nagpapansinan niyan. Mainit talaga yung set. Si Katkat talaga yung pumapagitna sa amin. Minsan yung away namin nagkakatotoo," pag-amin ni Kian sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kumusta naman sila ni Uma ngayon?

"Ngayon, okey naman kami. Nagbabakasyon nga siya sa Israel. Hindi namin siya makakasama sa Trip for a month."

So, enjoy siya ngayon na wala si Uma?

"Hindi naman!" tawa niya. "Kasi alam mo kapag okey kami, magkasama kaming gumigimik sa labas and a few drinks. Pero kapag hindi nga kami okey, walang pansinan, cold talaga kami sa isa't isa. Pero maganda rin yun kasi, di ba, yung tunay na pagkakaibigan dumadaan sa mga tests para talagang magtagal? Siguro this is just a test of our friendship."

Hindi ba sila nagkakasapawan during taping?

"Hindi naman kasi may kanya-kanya naman kaming segments."

Wala ba silang insecurities sa isa't isa?

"Wala naman," sagot niya. "Hindi naman dapat magkaroon. Ako kasi yung bago, sila yung original. So, nagpapasalamat nga ako na napasama ako sa kanila. Kasi saan ka makakahanap nang binabayaran ka as host para pasyalan yung magagandang lugar sa Pilipinas. Pakakainin ka na, libre pa eroplano, lahat. And you'll gain friends along the way. So, grateful talaga ako."






Source: PEP



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: