Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

KC Concepcion di dapat ikumpara kay Sarah Geronimo


KC Concepcion di dapat ikumpara kay Sarah Geronimo
kc8

Nabasa namin ang statement ng Star Cinema na kumita raw nang malaki ang pelikula ni KC Concepcion.

Pero ewan nga ba kung bakit sa halip na ilabas ni-la ang figures, ang sinabi nila ay makakagaya ito ng kita ng pelikula ni Sarah Geronimo. Bakit kailangan ang ganoong comparison?

Hindi maganda na sa simula pa lang ay ginaga-wan na ng comparison ang dalawang artista. Una, hin-di naman sila magkapa-reho ng market.

Malaki ang kaibahan ng mga pelikula, kanta, at tv show na gagawin ni KC di-yan kay Sarah Geronimo. Sabihin na nating mas ma-sa si Sarah.

Kaya nga lang, ngayon naman ay nasasabi ng mga kampon ni Sarah na ang pelikula niya ay hindi magastos na kagaya ng kay KC.

Nakapag-promote lang sila sa isang network. At ang leading man niya ay isang resident talent ng ABS-CBN, hindi na kaila-ngang manghiram pa sa iba. Kung halos pareho lang sila ng kinita at mas maliit nga ang puhunan kay Sarah dahil, definitely, mas maliit pa ang talent fee nito kumpara kay KC, sino nga naman ang mas bankable?

Iyan ang matagal na naming sinasabi, eh. Muk-hang mahirap maiwasan, pero hindi maganda na magkaroon ng comparison sa pagitan nina KC at Sarah Geronimo.

Hindi ikinumpara ka-ilanman si Susan Roces kay Nori Dalisay. Hindi rin naman ikinumpara si Aiza Seguerra kina Mahal at Mu-ra.

Pero palagay namin, madali naman sigurong mai-correct ang mga bagay na iyan. Kailangan lang ni-lang iwasan ang mga ganyang klase ng comparison dahil baka mag-boomerang iyan at makasama sa dalawa nilang talents.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: