Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

KC Concepcion and Richard Gutierrez thank fans for watching "For The First Time"

KC Concepcion and Richard Gutierrez thank fans for watching "For The First Time"

KC Concepcion and Richard Gutierrez thank fans for watching "For The First Time"
Sa huling pagkakataon ay nagpasalamat sina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa lahat ng sumuporta sa first movie nila together na For The First Time sa The Buzz last Sunday. As of Saturday ay umabot na sa mahigit P50 million ang kinita ng For The First Time pagkatapos ipalabas nung Miyerkules, August 27.

‘CHARD'S HAND ON KC'S KNEE. Habang nagpapasalamat sa The Buzz napansin ng host na si Boy Abunda ang paghipo ni Richard sa tuhod ni KC. Kaya tinanong siya ni Bong kung bakit nakapatong sa tuhod ni KC ang kanyang kamay.

"Yung kamay ko po sa tuhod? Yung stockings kasi ni KC masarap yung feeling, e. Para sa akin lang po yun. Kakatakbo lang namin sa premiere night at sumakit yung tuhod po niya. Minamasahe ko lang," nakangiting sagot ni Richard.

Mas lalo ba silang naging close pagkatapos nilang gawin ang For The First Time?

"I think so, definitely, we did.A, siyempre ang dami naming pinagdaanan sa pelikulang ito at talagang pinaglaban namin ang pelikulang ito from the start and nakilala namin yung isa't isa nang husto," pahayag ni Richard.

"Yung mga naging eksena po namin siguro talagang na-build yung trust namin sa isa't isa. Dahil hindi naman po namin magagawa yung heavy scenes, yung mga eksena namin na mabibigat," lahad naman ni KC.

Sumingit naman ng tanong ang ate ni Richard at host din ng The Buzz na si Ruffa Gutierrez, kinumusta nito ang ginawang panonood muna ng dalawa ng pelikulang ginawa nila bago dumiretso sa The Buzz.

"First time naming nanood ng hindi premiere night, na bilang normal na tao. Nanood kami sa Shangri-La Mall, kami nina Direk Joyce [Bernal] magkakasama, biglaan."

Pinanood din ba sila ng mga tao sa sinehan habang nanonood?

"Ay, hindi po. Dumating kami madilim na, tapos pinakaharap kami. Kami po yung pinakamaingay doon," sabi ni KC.

IT'S NOT THE DESTINATION, BUT THE JOURNEY. Inabangan naman nang husto ng audience ang sagot nina KC at Richard kung nagka-inlaban na ba silang dalawa.

"Ayaw po naming lagyan ng titulo, ng marka or ng kung anuman. Para sa amin kasi it's not the destination, but the journey. Kung paano kami makakarating doon," esplika ni Richard.

Ngayong tapos na nilang gawin ang pelikula, sinabi ni KC na tiyak daw na mami-miss niya si Richard.

"Hindi ko hahayaan na mai-miss mo ako," sabi ni Richard kay KC.

THANK YOU FROM "SETH" AND "PIA." Pagkatapos ay nagpasalamat na sila sa mga tumangkilik ng For The First Time.

"Yun po talaga ang gusto naming gawin. Ever since po, actually. Ever since na natapos namin yung pelikula, for us, success na po na natapos namin nang maayos ang pelikula at maganda ang pelikula namin. At nung nalaman namin na, yun na nga po, ang daming pumipila, tapos punung-puno ang mga sinehan.

"Tapos ayun, umiiyak yung mga tao, sabay-sabay na tumatawa. Yun talagang sinamahan nila kami doon sa journey namin, sa experience namin sa paggawa ng pelikula at sa istorya ni Seth at ni Pia [characters nila sa movie]. Sobra kaming nagpapasalamat sa mga tao sa Luzon, Visayas and Mindanao. Yung buong nation po talaga parang talagang sinuportahan tayo.

"Tatlong buwan po namin tinrabaho ang pelikula pero sa kanila po yung dalawang oras nila ‘tsaka yung tinabi nilang pera para i-spend doon para manood ng pelikula namin, sobrang laking bagay po talaga. Kaya sobrang salamat po talaga," mahabang pahayag pa ni KC.

Bago matapos sina KC at Richard, ni-remind ni Ruffa ang kapatid na magpasalamat sa The Buzz at ABS-CBN dahil baka yun na raw ang last guesting niya sa Kapamilya network.

"Gusto kong pasalamatan ang lahat ng bumubnuo ng Star Cinema. Sa lahat ng taga- ABS-CBN for accepting me wholeheartedly, maraming salamat po. Naramdaman ko po ang pagtanggap ninyo sa akin. Thank you so much," pagtatapos ni Richard.



Source: PEP



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

2 comments:

Anonymous said...

It's GOOD they know they OWE the success of FTFT, their movie, to the public. and we say WELCOME to them for a very wonderful movie..
super KILIGtalaga


Keep it up GUYS.. we are happy for both of you...

Anonymous said...

hi chard and kace..

You really look GOOD together.. superrrrrrr KILIG

Keep up the GOOD work.. and enjoy each other's company..

Nice MOVIE.. such a good experience for both of you..

Goodluck to your NEXT movie.