Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

“Kahit sa CR ako Ilagay, masaya ako!” – Gabby Concepcion

“Kahit sa CR ako Ilagay, masaya ako!” – Gabby Concepcion
Written by Tita Swarding

GABBY CONCEPCION (photo by VER PAULINO)

OLA CHIKA! Mariing itinangi ng kampo ni Gabby Concepcion ang tsismis na naglabasan sa halos lahat ng taboid na masama umano ang kanyang loob sa premiere night ng pelikula ng anak na si KC na For the First Time.


Dahil ang mga chika, kawawa umano si Gabo na parang pinabayaan. Siya lang daw at wala ni isang kaibigan at relative ang nandu’n sa sinehan na kanyang pinasukan nu’ng araw ng premiere night. Sa kabilang sinehan umano, nandun ang pamilya ng dati nitong asawa at du’n nag-umpukan lahat, huh! Nakakaloka naman!


Nu’ng Linggo, nakasama ko si Gabby sa kanyang fans day sa SM Valenzuela, kung saan kakatapos ko lang magprograma sa radyo. Sinundo agad ako ng magaling na manager na si Mommy Rose Flaminiano, at nakausap ko siya kung ano ang kanyang reaksyon. Kung ano ang sagot ni Mommy Rose, gayundin ang sagot ni Gabby.


“Hindi po masama ang aking loob, in fact napakasaya ko dahil very successful ang pelikula ng aking anak at ni Richard. Hindi n’yo lang po alam kung gaano ako kasaya. Kahit saan man ako ilagay nung araw na ‘yun, kahit sa CR, back stage at kahit du’n pa sa pinakamalayo, masaya ako dahil kahit anong mangyari, at baliktarin man ang mundo, anak at anak ko pa rin si KC. Mahal ko siya,” pahayag ni Gabby.


Habang magkasama kami sa sasakyan ni Mommy Rose, nasabi nito na di na lang pinapansin ni Gabby ang tsismis. Hindi nga halos magkamayaw sa dami ng tao at halos magkaroon ng stampede sa loob ng SM Valenzuela sa fans day ni Gabo. I’m sure, mag-gold na rin ang album ni Gabby, dahil sa dami ng bumili, mag-triple platinum pa. ‘Yun na!





Source: Pinoy Parazzi



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: