Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 24, 2008

Judy Ann Santos offended by Robin Padilla's joke

Judy Ann Santos offended by Robin Padilla's joke

Parang nakakalalaki raw ang ipinahayag ni Robin Padilla nang ito'y tanungin kung ano ang magiging partisipasyon niya kaya sa kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Nasabi kasi ni Juday na kung siya ang tatanungin, ang gusto niya'y magpakasal na sila ni Ryan next year.

Pero tila pabalang kung pabiro man ang sagot ni Binoe na wala raw siyang magiging partisipasyon. Laking gulat ng ibang reporters nang nagbiro si Binoe na hindi siya a-attend ng kasal nina Juday at Ryan dahil baka "maagaw" pa raw niya ang aktres kay Ryan.

Nagulat si Juday nang usisain siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa isyung ito kagabi, September 21, sa grand presscon ng Mag-ingat Ka sa... Kulam ng Regal Entertainment na ginanap sa Imperial Palace Suites.

"Alam mo namang mag-isip yung mga tao, di ba?" sabi ni Juday. "Alam naman ng lahat ng tao na I'm more than happy with my life right now. Alam ko namang matalinong tao si Robin. Kung dinaan niya sa biro ‘yon, hindi na lang gano'n. Hindi naman lahat ng tao ay maiintindihang biro ‘yon, e. Lalo pa't hindi naman nakita na sinabi niya ‘yon. Nabasa lang. Iba yung nabasa, iba yung napapanood sa TV at interview, iba ‘yon, e.

"Ayoko lang na ma-misinterpret ng mga tao yung nabanggit niya. Sana, respetuhan na lang ng mga partners. Kung wala siyang masasabing maganda tungkol sa kapupuntahan ng relasyon namin ni Ryan, sana huwag na lang siyang mag-comment."

Napagtanto rin ni Juday na malamang lumaki ang isyu, lalo na't pareho pala silang may ipalalabas na pelikula ni Binoe, na halos magkasunod. Si Binoe ay tampok sa horror film na Sundo, samantalang si Juday naman ay may Kulam, na isa ring horror film.

"Sana nga, hindi lumaki kasi parang lalabas na naggagamitan pa kami," napapailing na sabi ng aktres. "Hindi ko alam kung paano magre-react si Ryan tungkol sa sinabi ni Binoe, pero yun nga ang iniiwasan ko.

"Nananahimik ang boyfriend ko, 'tapos madadamay dahil lang sa ganyang mga komento. Huwag naman. Wala naman kaming sinasabi tungkol sa ibang tao, and if they're not happy for us, sana manahimik na lang sila," medyo napakunot-noo si Juday.

Minsan nang nagsama sa pelikula sina Binoe at Juday, sa Jeannie... Bakit Ngayon Ka Lang, isang romantic comedy mula sa Viva noong 2002, pero mahaba-habang panahon silang nagsama sa Basta't Kasama Kita, isang action-drama teleserye para sa ABS-CBN.

"Very professional ang pinagsamahan namin ni Binoe," sabi ni Juday. "Wala naman talagang personalan. Pero ang alam ko, naging magkaibigan kami. Okey ang naging working relationship namin.

"Kaya nagulat din ako sa mga sinabi niya. Sa totoo lang, sana nga, huwag nang lumaki, kasi hindi talaga maganda. Ayoko lang magsinungaling sa naramdaman ko nang malaman ko yung sinabi niya, regardless of how he said that, kung biro man, pero hindi talaga maganda.

"It's not worth it na pahabain pa ang isyung 'yan tungkol kay Robin. Ang mahalaga ay masaya ako at kung may mapapangasawa, siyempre, ako, wala nang kaduda-dudang si Ryan na ang pakakasalan ko," diretsahang sabi ni Juday.

Maaagaw ba siya ni Robin kay Ryan?

"Hindi. Period." mabilis na sagot ni Juday.

Dapat bang humingi ng sorry sa kanya si Robin?

"Huwag na. Kumbaga, huwag na lang pag-usapan. I-retract na lang niya," sabi ni Juday.

Addition report by Eric Borromeo




source: PEP


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: