Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 10, 2008

Judy Ann Santos gustong maging sirena


Judy Ann Santos gustong maging sirena

judy-ann-santos-02 by get it from boy!

Pinaligaya ng husto ni Judy Ann Santos si Mother Lily (Monte­verde ng Regal Films) nang pumayag itong maging star ng pang-48th anniversary presentation nitong Mag-ingat Ka Sa… Kulam na mapapanood sa Oktubre sa mga sinehan. Bale pang-All Souls Day ito ng Regal.

Paano ba naman hindi mata-touch ang producer ng Regal, eh pumayag si Juday na babaan ang TF niya bilang pagtulong sa industriya ng pelikula at maraming artista na itong natulungan in the past na hindi naman umubra ang sked ngayong kailangan sila. With Juday around, nakakasiguro nga naman si Mother Lily ng isang papanooring pelikula na horror-suspense na kung saan ay nakilala ang Regal sa loob ng 48 years.

Sa isang pakikipag-usap kay Juday, sinabi nito na naging mabait sa kanya ang producer ng Regal: “Hindi ko naman siya mapapahindian lalo’t naging mabait naman ang pagtrato niya sa akin,” sabi nito na sinusugan naman ng manager na si Alfie Lorenzo na habang ginagawa niya ang Kulam ay marami itong nasakripisyong proyekto, dahil halos isang taong ginawa ang pelikula na dinidirek ni Jun Lana. Nasabi rin ni Juday na gusto rin sana niyang maging isang sirena sa pelikula, “Pero okay na ako sa pagiging Ula,” dagdag pa nito.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

2 comments:

J2M0A0C8 said...

kumusta? Please follow this blog, at magtulungan tayong gumawa ng mas magagandang balita tungkol sa mga pangyayari sa Batangas. kung meron kayong alam,kahit anong kapansinpansing kwento, basta tungkol sa mga school, institutions, government at kahit anoano pa dito sa batangas.i email nio saken, echovolution@gmail.com

.salamat sa inyo..

-batangas Online
http://batangasonline.blogspot.com/
:)



http://batangasonline.blogspot.com/

mgrozman said...

Batangas has so many wonderfull view. you should try mabini or
padre garcia in batangas.