Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, September 8, 2008

Judy Ann Santos and Claudine Barretto insist there is no issue between them

Judy Ann Santos and Claudine Barretto insist there is no issue between them

Judy Ann Santos and Claudine Barretto insist there is no issue between them
Muling nagkita sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto matapos ang naging issue sa pagitan nilang dalawa dulot ng mga komento na binitawan ng manager ni Juday na si Alfie Lorenzo ilang buwan na ang nakalilipas.

Maaalalang binatikos ni Alfie ang Star Magic na diumanoy ginagamit si Juday upang gawan ng ingay ang pangalan ni Claudine na noon ay naghahanda sa kanyang pagbabalik telebisyon sa pamamagitan ng primetime soap na Maligno.

"Parang they try to find a way para magkaroon ng ingay ang comeback ni Claudine at naiinis ako. Lumang style na ‘yon, ba't hindi na lang baguhin kung paano, di ba?" himutok ni Alfie sa isang taped interview na ipinalabas sa The Buzz noong May 18.

Sinabi rin ni Alfie na hindi patas ang treatment na ibinibigay ng ABS-CBN at obvious daw na mas pinapaburan ng network si Claudine kumpara sa alaga niya.

"Basta pagdating kay Claudine, masyado silang sensitibo. Para bang ang talent ko na si Judy Ann, kesehodang kung sino man ang pumintas diyan parang bale wala sa kanila," reklamo ng palabang talent manager.

Pinabulaanan naman ng Star Magic ang mga sinabi ni Alfie sa pamamagitan ng isang statement. Noong bumisita si Claudine sa The Buzz last June 1 ay nagpahayag din ng kanyang sariling damdamin ang aktres.

"Actually, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kasi kapag nagkikita kami ni Tito Alfie, okey kami, e. Parang walang problema. I don't know kung saan galing ito. Masakit yung sinasabi niya na ginagamit ko si Judy Ann because pinaghirapan ko naman kung ano meron ako. Kung anumang talento meron ako ngayon, bigay ng Diyos yun. Pinagbubuti ko. Wala akong tinatapakan na tao," paliwanag ng nakababatang Barretto.

ACCIDENTAL MEETING. Noong Miyerkules, September 3, habang nasa gitna ng interview si Juday para sa The Buzz ay hindi sinasadyang biglang sumilip si Claudine sa dressing room.

Base sa naging reaksiyon ng dalawang aktres ay mistulang walang alitan na naganap sa kanila dahil masaya silang nagkumustahan.

Paliwanag ni Juday matapos ang masayang brief encounter with Claudine, "Wala naman talagang intriga sa amin. Siguro hindi lang kami nabigyan din ng chance na maging close. We're friends. We are friends, oo, wala namang isyu sa amin. Siguro ang isyu lang ng mga tao sa amin is hindi kami nagkakasama sa trabaho, ‘yong ganun, kaya ang feeling nila magkaaway kaming dalawa. Pero hindi, matatanda na kami para dun."

Sa isang hiwalay na interview ay masayang kinuwento ni Claudine na binalikan pa niya si Juday sa dressing room matapos ang interview dito.

"After that binalikan ko siya at ‘yon nagkuwentuhan kami ng konti," kuwento ni Claudine ng makausap ito ng The Buzz sa special fashion event ng batikang designer na si Randy Ortiz noong Huwebes, September 4, na ginanap sa Edsa Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City.

"May pinagsamahan kami ni Juday. We're not that close pero grabe ang respeto namin sa isa't isa. Kung may problema ang isa, nandoon kami para sa isa't isa kahit wala kami sa happy times. Basta sa tough times, nandito lang tayo sa isa't isa."






Source: PEP



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: