Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, September 9, 2008

Jomari Yllana, si Nadia Montenegro pa ang tulay...SI POPS FERNANDEZ ANG BAGONG LABS NI GABBY CONCEPCION


Jomari Yllana, si Nadia Montenegro pa ang tulay...SI POPS FERNANDEZ ANG BAGONG LABS NI GABBY CONCEPCION



"HUWAG kang manalig sa bulung-bulungan... na ikaw lamang irog ang aking minamahal..." Ito marahil ang dapat kantahin ni Pops Fernandez kay Jomari Yllana sakaling komprontahin siya ng boyfriend tungkol sa kumakalat na bulung-bulungan sa bawat sulok ng showbiz world na "pinopormahan" diumano ni Gabby Concepcion si Popsie ni Jomar, tsuk!

O, 'yang kantang 'yan, panahon pa ni Kopong-Kopong at nang mauso 'yan ay baby pa si yours truly, 'noh!

At kaya knows ni yours truly ang lyrics ay dahil 'yang kantang 'yan ang ipinanghehele sa amin nu'ng baby pa si ko-aks. Kaya sa mga nagdu-Doods Manzano (nagdududa) na limang dekada na sa showbiz si yours truly, ay, sori po, you're wrong, Mr. Wong!

Talaga raw defensive, o! Ha...ha...ha!

Eniwey, mabalik tayo sa "bulung-bulungan" ng ilang showbiz people in the know.

E, 'di ba nga, pinangalanan na sa mga tabloids ang mga namesung nina Nadia Montenegro at Pops Fernandez na siyang nagsusulsol diumano kay Gabby, 'di ba naman Ateng Janiz?

Pero hindi lang pala ang sinasabing "sulsulan" ang isyu kundi 'yun nga, nagiging loudest whisper na rin ang pag-japorms-japorms (porma) raw ni Gabo kay Pops tuwing sila'y nagkakasama at kitang-kita raw ang pagnanasa, as in love radiates in his eyes for Pops at halatang in denial naman daw ang labs ni Jomari.

Oh, no, Mommy Rose Flaminiano! Oh, may rhyme pa, ha? Porke lalong hahava ang vava ni Pop-pye da sailor man, twing-twing!

Well, if true nga ang nasabing "bulung-bulungan", not imposibol lalo't both belong sa showbiz world kahit magtutuwad pa si Eva Eugenio sa kasi-sing ng awitin niyang ..."Ohhh, tukso, layuan mo akoooo!" tsuk!

One thing more, singer si Pops. E, kinakarir naman ni Gabby ang pagiging singer sa mga concerts at mall shows, ha! Kaya wan plus wan equals two to tango, deva naman, Mang Juan?

Pero malay ba naman natin kung gusto lang magpaturo ng voice lesson ni Gabby kay Pops?

Yeah, what do you think, Nadia? Na ang "bulung-bulungan" din ay bridge of the river daw ng dalawa. Repeat, daw, ha, daw! We do not confirm...yet.

Basta sing lang din kami ng "Huwag kang manalig sa bulung-bulungan...na ikaw irog ay pinagtaksilan..." na dedicated namin kay Jomari at sa misis ngayon ni Gabby.

'Yun lang and tenk you. Enough muna of pralalas. Nagmamadali kasi si yours truly to have lunch date with Angelina Jolie minus Brad Pitt sa Hong Kong.

He...he.. Tsaring lang!

Halaw sa panulat ni Mercy Lejarde sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: