Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

John Lloyd Cruz nadismaya kay Luis


John Lloyd Cruz nadismaya kay Luis

actor John Lloyd Cruz

MARAMI pang plano sa buhay si John Lloyd Cruz, mapa-personal man o propesyonal. Marami pa siyang gustong patunayan bilang artista.

Pero, hindi niya puwedeng basta-basta pabayaan ang tambalan nila ni Bea Alonzo, dahil kung wala ang loveteam nila, marahil ay hindi raw niya mararating ang kinatatayuan ngayon.

Isang hamon para kay John Lloyd ang gampanan ang role na Armando Solis sa I Love Betty La Fea ng ABS-CBN. Wala naman siyang pangamba dahil gamay na gamay na nila ni Bea ang isa’t isa.

Excited din ang aktor sa pelikulang gagawin nila ng butihing gobernador ng Batangas na si Vilma Santos.

Malaking honor para sa kanya ang makasama ang Star for All Seasons, pero nadismaya si Lloydie nang malamang tinanggihan ni Luis Manzano ang gay role sa pelikula.

Ang balita namin, either November or December kukunan ang mga eksena sa Bronx, New York.

Pero mauuna raw siguro ipalabas ang pelikulang muli nilang pagtatambalan ni Sarah Geronimo after A Very Special Love.

Kung matutuloy, Valentine offering ito ng Star Cinema at Viva Films, pero hindi itatapat sa KC Concepcion-Richard Gutierrez starrer for GMA Films.

Baka raw end of January ipalabas ang balik-tambalang John Lloyd-Sarah, kaya walang tapatang magaganap, dahil kailangan ding proteksyunan ng Star Cinema ang artista nilang si KC.

Sinagot din ni Lloydie ang wish ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films na pagtambalin sila ni Marian Rivera.

Si Marian ay contract star ng Regal. Pinayagan daw ni Mother si Angel Locsin na gumawa sa Star Cinema para mahiram niya si John Lloyd sa film arm ng ABS-CBN.

Nang malaman niya ito, na-excite ang young actor na matagal na palang crush si Marian. Saka, type raw niyang ang ganu’ng set-up para matupad ang pangarap na makatrabaho ang mga taga-ibang network.

Sabagay, sa Regal lang naman nangyayari ang pagsasama ng mga artista ng GMA-7 at ABS-CBN 2, ’di ba?

Ibang-iba na talaga si Lloydie ngayon. Mas mature na at marami nang natutunan sa buhay. Bukod sa effective actor, in demand din siyang product endorser.

Tuwang-tuwa nga raw ang Biogesic, dahil triple ang naging sales nila mula nang i-endorse niya. Humahataw din ang Greenwich sa sales, huh.

Linggo na lang ang pahinga ni Lloydie, pero nasa ASAP pa rin siya. Pagkatapos ng show, saka pa lamang niya nakakasama ang pamilya at mga kaibigan.

Actually, isa ang pagiging dedicated sa pamilya sa mga rason kung bakit siya kinuhang endorser ng Greenwich. Tabing-Ilog days pa sila interesado sa actor at ito na ang kinukuha nilang mag-grace ng opening ng mga outlet sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Guwapo at karinyoso kasi si John Lloyd, hindi nagdaramot sa fans na lumalapit para magpa-picture o magpapirma ng autograph.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: