Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

John Lloyd Cruz, hindi alam ang isasagot sa rebelasyon ng ex-gf na si Krista Ranillo

John Lloyd Cruz, hindi alam ang isasagot sa rebelasyon ng ex-gf na si Krista Ranillo
Written by Julie Bonifacio
August 2008- Krista Ranillo

NATIGILAN AT HINDI alam ni John Lloyd Cruz ang isasagot niya sa rebelasyong ibinulgar ng ex-girlfriend niyang si Krista Ranillo sa amin sa presscon ng Your Song Presents Someone Like You na pinagbibidahan nina Aiko Melendez at John Prats na mapanood sa lahat ng Sunday ng September.


Kwento kasi ni Krista, si John Lloyd ang kanyang ikatlong celebrity boyfriend bago ang current niya ngayon na si Direk Dominic Zapata na karelasyon niya for seven years na. Sinundan ni John Lloyd si Cogie Domingo na naging boyfriend ni Krista for two years. At ang una naman ay si Gabby Eigenmann.


Three months lang tumagal ang relasyon ni Krista kay John Lloyd. Pero ang interesting dito, wala silang closure. Bigla na lang naputol ang relasyon nila nu’ng magpunta siya sa Amerika.
Iisa ang comment ng iilang entertainment press na nakausap ni Krista sa presscon ng Your Song
at ito ang malaking pagkakahawig nila sa pisikal na katangian ng current girlfriend ngayon ni John Lloyd na si Liz Uy.


May nagsabi naman na si Krista ang mas pinaganda at pumuti na version ni Liz.
“Talaga? Hmm…,” reaksyon ni John Lloyd.


Pagkatapos, ipinakita namin kay John Lloyd ang FHM magazine kung saan cover si Krista na nakasuot ng two-piece swimwear.


“Meron ako niyan,” sabi ni John Lloyd. “Nakita ko ‘yung loob.”


Sa kabila nito, mas marami ang ngiti na sagot si John Lloyd sa aming tanong. Nag-blush naman siya when we mentioned to him the possibility na magkatrabaho sila ni Krista sa I Love Betty La Fea.


And then, kinuha namin ang reaksyon ni John Lloyd sa sinabi ni Krista na boto sa kanya ang mga magulang ng dating kasintahan.


“Good boy kasi talaga ako,” naka-smile na sabi ng tinaguriang “Billion-Peso man” and current Box-Office King.





Source: Pinoy Parazzi



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: