Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 10, 2008

Joem Bascon prefers longevity in showbiz rather than leading-man status


Joem Bascon prefers longevity in showbiz rather than leading-man status

Joem Bascon prefers longevity in showbiz rather than leading-man status
Natutuwa ang young actor na si Joem Bascon na unti-unti ay nakakagawa na rin siya ng sarili niyang pangalan at marka sa showbiz. Nalagpasan na nga niya yung sinasabi noon na kamukha lang siya ni Piolo Pascual kaya hindi raw siya sisikat.

"Oo nga, e. Actually, noong una pinipilit nga naming ihiwalay at huwag akong maikumpara kay Piolo. Basta ako nagwo-work lang ako nang nagwo-work. Ang maganda is nakikilala naman ako for my work. Hindi ko na lang iniisip yung comparison. At least dumating naman yung time na nakagawa naman ako ng work kung saan nakilala ako as ako, as Joem Bascon," saad ni Joem sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Tama naman ang sinabi ni Joem, dahil napabilang na rin siya sa ilang malalaking pelikula at produksiyon gaya ng Batanes, kung saan nakapareha niya si Iza Calzado.

"So far, yung Batanes ang pinaka-okey na work na ginawa ko," sabi ni Joem. "Malalim na acting din naman ang naipakita ko doon, e. I even won an award for Breakthrough Performance by an Actor sa Golden Screen Awards for my role there."

May bagong pelikula ba siyang ginagawa ngayon?

"Ngayon ang naka-lineup sa akin yung Kalayaan na isu-shoot namin sa Spratley's Island. Kasama ko dito yung bida sa Shutter, yung Thai actor. Ang role namin ay mga sundalo. Sana matuloy. Si Direk Adolf Alix ang magdidirek," lahad niya.

Mabigat ba ang role niya rito na puwedeng manalo na naman siya ng acting award?

"Sana," sambit ni Joem. "Hindi ko pa nababasa yung script. Pero alam ko naman si Direk Adolf laging gumagawa ng magagandang pelikula, indie film. Sana matuloy. Kasama nga rin pala ako sa Adela, na pinagbibidahan naman ni Ms. Anita Linda."

LEADING-MAN STATUS. Pinapangarap rin ba niyang maabot yung leading man status ni Piolo Pascual?

"Actually, hindi ko naman iniisip na maging lead lagi. Basta ako, gusto ko lang mag-work. Gusto ko lang iba-iba yung ginagampanan kong characters. Hindi ko naman pinapangarap na sobrang sumikat basta magawa ko lang ng maayos yung akting ko. Okey na sa akin yun. I'm more doon sa longevity sa trabaho, e, kahit hindi ako lead, kukunin pa rin nila ako sa ibang roles dahil sa maganda kong ipinapakita sa trabaho," pag-amin ni Joem.

Gaya ni Piolo, kapansin-pansin din na isa sa mga aktor na may magagandang katawan sa showbiz si Joem. Paano niya ba mine-maintain ang good figure niya?

"Medyo tumataba na nga, e. Pero kapag may time, boxing, yun ang ginagawa ko for maintainace lang."

DATING BUT NO SERIOUS RELATIONSHIP YET. Kumusta naman ang love life niya?

"Date-date lang, pero wala akong karelasyon now," sabi ni Joem.

Non-showbiz daw ang girls na idine-date niya. May advantage ba yung pagiging artista niya?

"Alam nila na artista ako. Pero siyempre, hindi naman yung tipong bukambibig ko na lang lagi yung pagiging artista ko. Ayoko naman yung tipong, ‘Hi... hello... ako si Joem. Artista ako, akin ka,'" biro ni Joem.

"Simple pa rin naman akong dumiskarte sa babae," pahabol niya.

Ano ba yung qualities ng ideal girl niya?

"Hindi ako yung tumitingin sa physical, e. More on the brains and personality talaga. E, kapag nagsawa ka naman sa hitsura ng babae, siyempre hahanapin mo na yung ibang qualities niya na kumbaga pangmatagalan mong mamahalin sa isang karelasyon mo, di ba? Maganda yung nag-uusap kayo ng may sense, di ba?"

Halimbawa kamukha ni Betty La Fea, okey lang ba sa kanya?

"Kung sobrang talino naman at mabait, siguro wala naman magiging problema doon. Nagtataka nga yung mga handlers ko kasi ang taste ko raw sa babae yung simple lang. Hindi yung magandang-maganda. Okey na sa akin yung ganun."

BETTY LA FEA. Speaking of I Love Betty La Fea, na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, kasama si Joem sa cast ng bagong ABS-CBN soap na ito. Ginagampanan niya ang role ni Mario, na best friend ni Armando, played by John Lloyd.

"Wala pa si Armando sa kumpanya [Eco Moda], nandun na si Mario, so nauna ako sa kanya. Ako yung naghikayat sa kanya na pumasok sa kumpanya ng daddy niya para doon siya maghanap ng adventure sa pambababae niya. Kasi pareho kaming babaero. Pero kapag nag-lie low na si Armando sa pambababae niya, ako ganun pa rin. Bad influence pa rin ako sa kanya. Ako yung nagbubuyo sa kanya, na kahit may Marcella [Megan Young] na siya, okey lang na mambabae siya," kuwento ni Joem.

Bukod sa show sa ABS-CBN, may show rin si Joem sa TV5, ang Hush Hush.

"Medyo blessed lang. Siyempre happy ako sa mga trabahong dumadating sa akin," pagtatapos ni Joem.



Source: PEP



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: