Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

Jake Cuenca, ‘payuhan’ mo nga si Ejay Falcon!

Jake Cuenca, ‘payuhan’ mo nga si Ejay Falcon!
ejay-falcon-pic3

Nnakita namin si Ejay Falcon papunta sa bilyaran sa Mo­rato at tinawag namin habang nagdi-dinner kami sa Heaven & Eggs.

Tinanong namin si Ejay kung bakit wala pa siyang project sa ABS. Sagot niya, nagwu-workshop pa raw sila ng mga kasama niya — na may regular shows na, except him na big winner.

Hindi pa pala nakukuha ni Ejay ang kanyang mga prizes. May mga raket naman daw sila ng Top 4 sa mga malls at ‘yun ang pinagkukunan niya ng income at pambayad sa condo unit na inu­upahan niya where Ronnie Liang also stays.

Malayo raw kasi ang condo unit na ibinigay sa kanya ni Delfin Lee na sa Bulacan pa. Kung ipagpapalit pala ‘yun ng ibang condo na nasa Quezon City ay kailangang magdagdag pa dahil iba ang price nga naman ng nasa city at sa probinsya.

Mas guwapo nga si Ejay Falcon sa perso­nal and he is improving his physique para mas lalo siyang maging macho. Tumigil muna pala sa kanyang HRM studies sa University of Manila si Ejay dahil concentra­ted sa showbiz career niya. Eh, ano naman ang ginagawa niya sa maghapon araw-araw na wala siyang raket? Kasi Mondays and Saturdays lang pala ang workshop hours niya.

“Wala lang po, kain-tulog lang sa condo,” sabi niya na parang wala lang.

Well, goodluck na lang sa aming bet sa PBB na unang akyat pa lang nila sa stage during the first night presentation ay tahasan na naming sinabi na si Ejay Falcon ang magiging big winner!

Tama na naman kami debah, Donita? At sana ay tumama rin kami na may future nga sa showbiz si Ejay kahit na wala pa raw nanliligaw o nagkakagustong bading executive sa kanya sa ABS.

Binigyan namin ng tip si Ejay. Humingi ikako siya ng advice kay Jake Cuenca! Ha! Ha! Ha! Ha!

At ‘pag sinunod o tinu­laran niya si Jake, siguradong magkaka-project na siya. Sige Jake, payuhan mo nga si Ejay! Ha! Ha! Ha! Ha!

ALFIE LORENZO
Abante Online







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: