Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, September 2, 2008

Hindi raw totoong mas pinapaboran ng Siyete si Dingdong kaysa Richard!

Hindi raw totoong mas pinapaboran ng Siyete si Dingdong kaysa Richard!
Written by Nitz Miralles
REGINE VELASQEZ & WILMA GALVANTE (Photo by VER PAULINO)

BY NOW, TIYAK na may sagot na si Annabelle Rama sa mga ipinahayag ni Ms. Wilma Galvante sa presscon last week. Hindi pa nagkikita ang dalawa mula nang magka-isyu sila, pero naniniwala ang GMA executive na naintindihan na ni Annabelle na hindi sinadya ng network na tapatan ng birthday special nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang opening ng For The First Time nina Richard Gutierrez at KC Concepcion.


Nilinaw ni Ms. Wilma na hindi siya nakipag-away at naintindihan niya ang bugso ng damdamin ni Annabelle. Nag-congratulate rin siya sa box-office success ng movie ng Star Cinema at masaya rin ang Ch. 7 sa resulta ng birthday special.


Hindi sinagot ni Ms. Wilma kung papayag ang Ch. 7 na mawala sa kanila si Richard, basta mahal daw nila ang actor at inaalagaan. Hanggang 2010 pa ang kontrata nito sa kanila, pero dahil sa confidentiality clause, ayaw niyang pag-usapan.


Sa isyung ang feeling ni Annabelle mas pinapaboran ng network si Dingdong over Richard, lalo na sa S.O.P., sabi ni Ms. Wilma, wala na sa show si Dingdong at gaya ni Richard, lumalabas lang ‘pag nagpo-promote at kung may special occasion.
Ang ikinatutuwa lang ng network, nasa kanila sina Richard at Dingdong, dalawa sa biggest talents today.


“Hindi lang kami masaya, we’re also proud na nasa amin ang pinakamagaling na talents. Pare-pareho ang pag-aalaga namin sa kanila,” sabi ni Ms. Wilma.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: